PINAPURIHAN ng Senado ang pagsasabatas sa Rice Tariffication Act.
“We thank and laud the President for signing into law the bill creating a package of support programs for farmers, most notably the P10 billion Rice Competitiveness Enhancement Fund,” ayon sa Senado.
Inanunsiyo ng Malakanyang noong Biyernes na pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang panukala na nag-aalis sa quantitative restrictions sa bigas at nagpapataw ng 35-percent tariff sa imports mula sa mga kapitbahay ng bansa sa Southeast Asia.
Ang batas ay nagpapahintulot sa unlimited importation ng bigas subalit kailangang kumuha ang mga negosyante ng phytosani-tary permit mula sa Bureau of Plant Industry at magbayad ng 35-percent tariff for shipments.
Naglaan ang batas ng P10 billion para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund, kung saan P5 billion ang ilalaan para sa farm mechanization at P3 billion para sa seedlings.
Layunin ng pondo na masiguro na hindi mapipinsala ng rice imports ang sektor ng agrikultura at hindi mawawalan ng kabuha-yan ang mga magsasasaka.
“With the expiration of the quantitative restriction on rice importation, this is a very important piece of legislation, which will help our farmers improve their profitability and competitiveness,” ayon sa Senado.
“This law complements other government programs addressing the needs of the farming sector, in-cluding the P7 billion Rice Program under the Department of Agriculture and the P7 billion budget of the National Food Authority which will be used to buy palay from local farmers for purposes of buffer stocking,” dagdag pa nito.