PAGSASAILALIM SA STATE OF EMERGENCY SA BATANGAS PINAG-AARALAN

BATANGAS- KASALUKUYANG pinag-aaralan ng mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Batangas ang pagdedeklara ng state of emergency sa mga lugar na apektado ng volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal.

Ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, ito ang isa sa mga ikonokonsidera ngayon ng kanilang lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga pinsalang natamo ng ilang lugar sa lalawigan nang dahil sa vog.

Ngunit, sa ngayon hinihintay pa nila kung ano ang mga magiging rekomendasyon ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan ukol dito.

Sinabi pa ng Bise Gobernador, bagaman mayroong kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na magdeklara ng state of calamity ay patuloy pa rin nitong aantabayanan ang magiging ulat ng mga science agencies at disaster monitoring and response unit bago magsagawa ng mga kaukulang desisyon.
EVELYN GARCIA