PAGSASAKA GAGAWING ‘COOL’

GAGAWIN  nang “cool venture” at “career option” ng Department of Agriculture (DA) ang sari saring uri ng hanapbuhay sa sektor ng agrikultura.

Layunin nito ay upang patuloy na makahikayat ng mga magsasaka, mangingisda at negosyante maging sa aquaculture, at makasiguro na may mga magpapatuloy mag-produce ng mga kinakailangang suplay ng pagkain ng bansa.

Target nito ang mga bagong henerasyon ng mga magsasaka,mangingisda at aquaculture entrepreneurs.

Minamadali ng DA na gawing moderno ang sektor ng agrikuktura na hindi gaanong pinapansin lalo ng kabataan.

Malaking hamon ito sa administrasyon, ngunit optimistiko ang kagawaran lalo’t maituturing na hindi bankable ang pagsasaka.

Sa panahon ng Duterte administration ay binibigyan ng.lupang sakahan ang nagsisipagtapos sa kursong Agriculture.

Maganda ang naisip na ito mg DA kaya abangan natin kung papaanong maaakit ng gobyerno ang mga kabataan para gawing career ang pagsasaka.