PAGSASAMA NINA COCO MARTIN AT VIC SOTTO SA MMFF KASADO NA

NABALITA nang magsasama raw sina Vic Sotto at Coco Martin sa isang pelikula para sa Metro Manilashowbiz eye Film Festival (MMFF) 2018, kaya hinihintay na ang confirmation kung totoo ang balitang iyon.

Nai-text namin si Noel Ferrer, ang spokesperson ng Executive Committee ng MMFF 2018 at sagot niya, “as per Coco’s camp, tuloy ang Coco and Vic movie.”

Sinabihan na rin daw ang dalawang actor-producer na huwag na silang gumastos sa effects ng gagawin nilang pelikula, i-focus na lamang ang kuwento nila na babagay sa dalawang haring magsasama, isang masaya at heartwarming na kuwento na may mapupulot na aral ang mga manonood, lalo na ang mga kabataan.

Tiyak na kaabang-abang ito kapag natuloy ang pagsasama ng hari ng ko­medya at hari ng aksiyon.  Sino kaya ang magdidirek ng movie at sino-sino ang makakatambal nila?

Ipinaalaala rin ni Noel na extended na sa Mayo 31, hindi na sa Mayo 21, ang submission ng scripts na intended isali sa MMFF 2018.  At taon-taon ito na raw ang magiging fixed date ng script deadline.

Sa mga scripts na isusumite sa Screening Committee ng MMFF 2018, kukunin ang top eight entries na isasapelikula at ipalalabas sa mga sinehan simula sa Disyembre 25, 2018.

WINWYN MARQUEZ NAG-RENEW NG KONTRATA SA KAPUSO

WINWYN MARQUEZMALI ang balita na lilipat na si Teresita Ssen o si Winwyn Marquez sa ibang network pagkatapos niyang manalo bilang Reina Hispanoamericana noong Nobyembre 4, 2017 sa Bolivia.  Ipagpapatuloy ni Wyn ang kanyang journey bilang actress matapos niyang muling pumirma ng isang exclusive contract sa GMA Network.

Si Wyn ay isa sa mga home-grown talents ng Kapuso Network at ikinatuwa niya at feeling blessed siya nang mag-sign siya ng contract.

“I’m very, very happy to stay here in my home network, Sobrang saya ko,” sabi ni Wyn.  “My manager and the Entertainment Content Group of GMA are really doing their best to give me something na ba-bagay sa akin.”

Huling napanood si Wyn sa “Mulawin vs Ravena” bago siya nag-join ng international beauty pageant na siya nga ang tinanghal na reyna.

“Para po sa susunod kong project, gusto kong i-challenge ang sarili ko at mag-action naman ako. Gusto ko mala-Lara Croft or Scarlett Johanson.  Iyon ‘yung mga gusto kong gawin, kung me­rong magandang project, I would love to do that.”

Present sa contract-signing ang GMA Entertainment Content group headed by Ms. Lilybeth Rasonable, Senior Vice President, Geleen Eugenio and Wyn’s Manager Arnold Vegafria.

Sa ngayon, busy muna si Wyn sa various advocacy projects bilang Reina Hispanoamericana 2017.

Sa contract signing siniguro ni Mr. Rasonable ang fans ni Wyn na ipagpapatuloy ng GMA ang pagbibigay ng quality projects sa kanya.  “Nag-uusap na kami with her manager regarding sa project niya for primetime to be announced soon.  Winwyn has proven herself as a very good actress. Bukod doon, marami pa siyang ibang talents like dancing na puwede pa rin niyang gamitin in our other shows.  We are committed to support her.”

Comments are closed.