DAVAO CITY – HEAT stroke ang ikinamatay ng bagitong pulis habang 4 naman ang nawalan ng malay habang sumasailalim sa Basic Internal Security Operation Course sa Sun City, Brgy. Communal, Buhangin District, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Angelo Tito habang ang mga nawalan ng malay naman ay sina Patrolman Dexter Bucaling, Patrolman Juvanny Saydaw, Patrolman Exel Busalla, at si Patrolman Fraxsidicio II Florentino.
Ayon sa ulat, habang nagja-jogging ang mga trainees sa bandang alas-4:30 ng hapon nang mamutla ang mga ito at nawalan ng malay kaya isinugod ng medical team ng Regional Health Service XI sa pagamutan pero si Patrolman Tito ay tuluyang namatay noong Biyernes
Nabatid na heatstroke ang itinuturong dahilan batay sa inilabas na diagnosis ng doktor habang nasa maayos namang kondisyon ngayon ang apat na police trainees.
Kaugnay nito, sinabi ni Police B/Gen. Filmore Escobal ng PRO 11 Regional Director na magbibigay sila ng tulong pinansyal sa mga biktima maliban pa sa isasagawang imbestigasyon kung may paglabag sa nasabing training program. MHAR BASCO
Comments are closed.