Pagsasanay para sa kawani, paghahanda para sa 2023

ni Riza Zuniga

HALOS  dalawang taon din ang ginugol sa pagtratrabaho at pag-aaral sa bahay gawa ng pandemya. Kung kaya’t nagkaroon ng malaking adjustment sa pagbabalik sa mga opisina at paaralan.

Bilang paghahanda ngayong 2023, naglaan pa rin ng Online Training para sa kawani sa pamahalaan, pribado, pamantasan at NGOs ang Professional Development Program (PDP) ng Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC). Ito ay bukas para sa mga nagsusulat, reporter, public relations (PR) at nasa larangan ng komunikasyon.

Tunay na naging hamon ang pagbabalik sa opisina ng ilang kawani at pananatili naman ng pagtratrabaho sa bahay.

Alinman sa dalawa ay nangangailangan ng paghahanda para sa mga bagong kakaharaping isyu sa 2023.

Sa “new normal” o bagong normal, nanatiling tinatanggap ang online training ng ilang organisasyon, ahensya ng pamahalaan, mga kawani at manggagawa mula sa iba’t ibang bahagi sa bansa.

Ang pandalawang araw na pagsasanay ay tungkol sa News Writing, Feature Writing, In-Depth Reporting, Paralegal Writing, Technical Writing, Science Journalism, Science Communication, Speech Writing, Public Relations and Brand Credibility, Social Media Management, Digital Marketing, Issues Management & Crisis Communication, Public Speaking, Data Privacy in Digital Communication, Building Excellence in Customer Service, Corporate Communication, Media Relations in the New Normal, Copywriting, Photojournalism and Photography, Scriptwriting for AV Materials, Strategic Communication Planning at Leadership in Good Governance.

May pagsasanay rin para sa isang araw lamang katulad ng Editing Skills Enhancement, Intro to Finance and Economics Writing, Writing Controversial Issues, Intro to Paralegal Writing, Writing for the Arts – Abstract and Curatorial Notes.

Ang pagsasanay na pangkalahating-araw ay Mindful Writing, Writing for Arts-Artist Statement and Artist Profile, How to Ace your First Media Interview, Strategy for Financial Inclusion, Writing for Social Sciences, Promoting Sustainable Future, How to Write like a Diplomat, Science and Health Writing, at Science Communication: Publishing Science Materials.

Mga practitioners, batikan at beterano sa kani-kanilang larangan ang magbibigay ng pagsasanay sa pagsusulat at komunikasyon. Nagbibigay rin ng In-House Training (Face-to-Face o In-person) para sa mga kawani ng ahensya ng pamahalaan.

Kung may katanungan tungkol sa takdang araw ng pagsasanay, ang email at numero ng Professional Development Program ay [email protected] at 09999180478.