ni Riza Zuniga
Ang Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC) bilang masugid sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga journalists, communication managers, public relations officer at iba pang kawani ng pamahalaan at pribadong sektor ay nagkaroon ng pagsasanay sa paggamit ng SharePoint at iba pang APP sa Microsoft Teams.
Sa bumibilis na pagbabago sa teknolohiya, kasama ang matinding pagsasanay sa MS Teams ng mga kawani ng AIJC mula sa Graduate School, Research, Policy and Advocacy (RPA) at Professional Development Program (PDP).
Bukod sa pinaghuhusay na content ng AIJC, isinasabay rin ang kagalingan sa pagsasanay sa MS Teams. Ito ay para magamit ng husto ang collaboration software ng MS Teams, makatulong sa paglago ng productivity, maisagawa ang gawain kahit nasaan pa ang mga kawani, matutukan at mapahalagahan nang husto ang komunikasyon sa MS Teams na hindi na kailangang magpalipat lipat pa ng platform o maski ng APP, maibahagi ang mga files at maisaayos ang kalendaryo ng lahat na kawani lalo pa at umiiral pa ang Work From Home (WFH), at sa katunayan ang kabuuan nito ay kawangis ng isang Website.
“Laging may bago,” ito ang isang maipapangako ng paggamit ng MS Teams.