PAGSASANAY SA RIDELIHOOD INILUNSAD

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Magandang  balita ang hatid ng Patnubay ng Drayber partikular sa mga kasalamin na ang ikinabubuhay ay ang pagmamaneho ng motorsiklo for a living.

Nitong Agosto 15, 2019,  isang libreng pagsasanay na tinaguriang “RIDELIHOOD”  ang balikatang inilunsad ng Legal Engagement Advocating Development and Reform, Inc. (LEADER Inc),  sa pakikibalikat sa National Capital Region (NCR) East Branch ng Land Transportation Office (LT0).

Target na benepisyaryo ng naturang free training program ang mga nagmamaneho ng motorcycle for a living lalo’t higit yaong mga motorcycle cou-rier (naghahatid for a fee ng goods) mula sa mga nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Sa pahayag ni G. Bejamin Santiago, Regio­nal Director ng LTO-NCR, malaon na ring panga­rap nila na maglunsad ng ganitong programa at naniniwala sila na ito na ang wastong panahon para ito ay isulong due to the emergence of motorcycle industry.

Ayon kay Director Santiago, kasama sa session ang mga pana­yam na may kinalaman sa:

  1. Road safety practices.
  2. Riders’ legal rights and obligations.
  3. Kabahalaan sa kalusugan (health concerns).
  4. Pangangalagang financial (financial protection).
  5. Gayundin ang practical exercises sa kaligtasan sa pagmamaneho sa lansangan (road safety).

Target ng Ridelihood sa pamamagitan ng courier riders yaong mga nagtatrabaho para sa LALAMOVE at GRABFOOD, na ayon kay Santiago ay mayroon na silang pakikipag-ugnayan at natalakay na ang kanilang platforms para sa unang batch ng kanilang training program.

50 KALAHOK ISASALANG SA BAWAT BATCH

The program will accommodate 50 kalahok sa bawat batch.  Tatagal ang pagsasanay ng kalahaging araw, sa una at ikalawang session na nagsimula noong Agosto 18.

Ipinaliwanag (differentiates) ni LEADER Atty. Emiliano Bantog ang pagkakaiba ng Redelihood sa companies’ own program gaya ng pagtatanim sa kaisipan ng mga professional rider na maging extraordinarily diligent kung ihahambing sa mga non-professional driver.

Ang ganitong bagay ay magagawa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga information sa mga batas na may kinalaman sa kanilang practice, tulad ng iba’t ibang penalties na ipinapataw sa mga professional at non-professional riders, gayundin ang Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Samantala, inihayag naman ni Jofti Villena, Project Manager of the Bloomberg Initiative for Global Roads Safety, na kanila ring bibigyang diin ang occupational health and safety ng mga rider, samantalang they work for long hours and are exposed to environmental hazards tulad ng pagsagap ng masamang polusyon.

Kaugnay nito, kasama sa programa ang pagkakaloob ng komprehensibong eye checkup para sa mga trainee, in line with August being Sight-Saving Month.

Inihayag din ni Villena ang mga benefits and services na karapatang matamo ng bawat riders.

RIDELIHOODRIDELIHOOD BUKAS SA LAHAT NG DRIVER NG MC

Inihayag din ni Atty. Emiliano Bantog, Executive Director ng LEADER, Inc., na bukas sa lahat ng Filipino na nagmamaneho ng motorcycle bilang panghanapbuhay, sila man ay nagtatrabaho bilang freelancer o kaya ay isang partner ng ride-hailing service.

Marami pang batches o grupo ang ihahayag at idaraos na training sa mga susunod na buwan.

Ang mga interesado ay maaaring magpa-register ng libre online na naka-post sa Facebook.com/Leader-Philippine.

Ang programang ito ay bukas sa lahat ng motorcycle drivers na magbibigay sa kanila ng magandang pagkakataon para sa kooperasyon sa  mga road safety advocate at iba pang stakeholder, pahayag ni LTO-NCR Director Benjamin V. Santiago III.

SERVICE WITH A SMILE NG LTO SA LUNGSOD NG MALABON

Kung mayroong uuna sa paglilingkod ng mga kawani ng local government units marahil susunod na ang pamahalaang lungsod ng Malabon kung ang pag-uusapan ay ang makatao at kapuri-puring paglilingkod sa mga parokyano ng LTO.

Benepisyaryo ng naturang tanggapan ang pagkakaloob ng mga hakbang upang mapabilis ang transaksiyon ng mga kumukuha at nagpapa-renew ng lisensiya o nagpaparehistro ng kanilang sasakyan.

Kung mayroon man ayon sa ilang nagpare­histro ng sasakyan sa naturang tanggapan, saan kayang parte ng bansa mayroong katulad ng LTO-Malabon na mismo hepe ang lumilingon sa tawag ng pangangaila­ngan ng mga parokyano ng naturang tanggapan.

Ang kanilang binabanggit na hepe ng LTO na nagpapakasakit para sa kapakanan ng mga parokyano ay hindi iba at si Milagros delos Reyes, na nakikihalubilo sa mga parokyano upang alamin at ituro ang madaling paraan ng pagpaparehistro at kauring paglilingkod.

Kaugnay nito, nawalan ng hanapbuhay ang mga fixer na naglilima­yon sa naturang tanggapan para lakarin ang papeles ng kanilang mga suking may transaksiyon sa Malabon-LTO ng libre.

Bukod sa serbisyong pisikal na ipinagkakaloob ni Delos Reyes sa mga parokyano ng LTO sa Malabon City Hall, mayroon pang libreng pakape, tin-apay, tsaa, tubig, at libreng candy sa mga taong may transaksiyon sa nasabing sa­ngay ng tanggapan upang hindi mainip habang naghihintay ng kanilang lisensiya at rehistro ng sasakyan.

At upang ‘di ma­lantad sa init ng araw, pinalagyan na rin ni Delos Reyes ng tabing ang waiting shed upang hindi mabasa ang mga naghihintay sa-kaling umulan.

Gayundin, buong tiyagang nagbibigay si Delos Reyes ng Hasik Pandayan (seminar) tungkol sa Law Enforcement and Roadworthy sa Penthouse ng Malabon City Hall na dinaluhan ng mga drayber, operator ng pampublikong sasakyan gayundin ng mga pribadong indibiduwal para magkaroon ang mga ito nang wastong pananaw tungkol sa batas ng trapiko.

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING! (google photos)

Comments are closed.