PAGSASAPRIBADO NG NAIA, TINUTULAN

Joseph Victor Ejercito

TUTOL  si Senator JV Ejercito sa panukalang isapribado ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate Committee on Public Services, ang isang public utility facility na may mahalagang papel sa national security ay dapat manatiling kontrolado ng gobyerno.

Ikinababahala ni Ejercito na matulad ang main international gateway ng bansa, ang NAIA, sa kapalaran ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isang power transmission operator na isinapribado sa taong 2009.

Sa kasalukuyan ay 40% ng NGCP ay pag-aari ng State Grid Corporation ng China.

Nitong Enero 1, ilang oras na naparalisa ang air traffic system ng bansa, hindi kalayuan ayon sa mambabatas na sa isang iglap ay posibleng mawawalan ng koryente ang buong bansa. LIZA SORIANO