CAMP AGUINALDO – NANINIWALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) na epektibo ang pagsasapubliko sa mga barangay official na nakatala sa narco list na hawak ng PDEA.
Ito ay dahil nabigyan ng guide ang mga botante kung sino ang kanilang ibinoto.
Ayon sa isang opisyal, kung hindi nalaman ng mga botante ang kanilang profile ay marahil 100 percent ng mga ibinoto na nasa narco list ay nanalo.
Sinasabing sa Metro Manila ay anim sa 12 opisyal na idinadawit sa iligal na droga ang nanalo.
Subalit ang tiyak, patuloy pa ring titiktikan ng mga awtoridad ang aktibidad ng mga taong nasa narco list.
Paliwanag naman ni PNP Chief DG Oscar Albayalde, dahil local elections ang idinaos, masyado itong personal dahil magkapamilya, magkakamag-anak at magkakaibigan ang mga kandidato.
Gayunman, tiwala naman siya na kahit papaano ay mas naging matalino ang mga botante ngayon dahil mas kumilatis sila ng tao na nararapat sa posisyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.