BINATIKOS ni Senador Grace Poe ang pagsasara ng aircon na nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, at sinabing hindi dapat magdulot ng interruption ang pagsasaayos ng cooling tower.
“Repairs or upgrades of any facility should be done without causing interruption to the regular operations of the airport and inconvenience to travelers,” ani Poe.
Ang air conditioning sa NAIA T3 ay pansamantalang isinara noong Martes ng gabi hanggang Miyerkoles ng umaga.
Iginiit pa ng senadora na ang aircon-less terminal na hindi “warm welcome” ang ganitong sitwasyon para sa mga mananakay.
“It’s unfortunate passengers have to endure anew the intolerable heat at NAIA purportedly due to the needed replacement of the cooling tower.”
Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga pasahero sa matinding init na kanilang naranasan sa NAIA.
Sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kailangan ng pansamantalang pagsasara sa pagpapalit ng lumang cooling tower.
LIZA SORIANO