NAGSIMULA na ang mga inisyal na paghahanda para sa nakatakdang pagsasara ng EDSA Kamuning Flyover Southbound sa May 1 para sa retrofitting nito.
Sa ilalim ng tulay, ikinakabit na ang mga scaffolding at nakalatag na rin ang mga traffic advisory at road safety devices.
Katunayan, may ilang nakapaskil na ring mga advisory sa kahabaan ng EDSA upang gabayan ang mga motorista sa maaaring alternatibong ruta na madaanan habang ongoing ang retrofitting ng EDSA Kamuning Flyover.
Maaga namang nag-inspeksyon si DPWH NCR DIR Loreta Malaluan upang masiguro na walang magiging aberya sa isasagawang pagsasara ng flyover.
Sa kabila ng mga preparasyon ay nananatiling normal ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA Kamuning flyover na hindi pa apektado ng inisyal na preliminary activities ng contractor.
Nakikiusap naman ang DPWH ng pang-unawa sa mga motorista at planuhin na nang maaga ang kanilang mga biyahe sa susunod na Linggo.
P ANTOLIN