PAGSASARA SA BUS TERMINAL, INALMAHAN NG PASAHERO

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Lubhang ikinabulaga ng maraming commuter sa mga provincial bus nang matuklasang sarado na ang bus terminal na dati ay ka-nilang pinupuntahan para sa kanilang pagtungo sa iba’t ibang lalawigan partikular sa Katimugang Tagalog.

Ang naturang mga bus terminal ay ipinasara ng mga kinauukulan nitong nakaraang linggo bunga ng maraming mga kadahilanan tulad ng:

1. nose to nose in, nose to nose out.
2. kawalan ng business permit para mag-operate.

Ayon sa mga naapektuhang commuters, hindi nila batid ang dahilan at wala silang kaalam-alam sa isina-gawang pagpapasara kaya malaking gulat nila nang wala na silang dinatnang terminal nang sila ay mag-tu­ngo roon para mag-spend ng kanilang weekend sa lalawigan.

Bunga nito, nataranta ang mga mananakay bitbit ang kanilang mga bagahe na nakipagsapalarang tumawid sa EDSA upang hu-manap ng masasakyang bus.

Dahil sa ganitong pangyayari, binuntunan ng batikos ng mga naapektuhang commuters ang Metro Ma-nila Development Author-ity (MMDA). Bagay na hindi matanggap ng MMDA na sila ang napagbun-tunan ng hinagpis at poot ng mga naapektuhang com-muters.

Samantala, binigyang linaw naman ni MMDA Assistant Manager Jojo Garcia, na hindi sila ang dapat bigyang sisi ng commut-ers sapagkat ang Quezon City government ang nag-utos ng pagsasara ng mga terminal. Ilang beses nang binigyan ng instruction ang mga ito para mapabuti ang daloy ng trapiko sa mga terminal, ngunit sa kabila ng ganitong mga abiso ay walang ginawang aksiyon ang mga kinauuku-lan.

Lubha namang ikinagalit ni MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia ang isang kompanya ng bus na karaka-rakang nag-bukas ng ipinasarang terminal pagkalipas lamang ng ilang oras matapos na isara nina MMDA Chairman Danny Lim.

Kaugnay nito, 18 unit ng bus ng First North Luzon ang ipina-tow ng MMDA at ipinaaresto pa ang dala-wang opisyal ng natur-ang bus company.

Sinabi ni Garcia na kanilang sinampahan ng kaso ang naturang bus company at ipinaubaya na sa Land transportation Franchis-ing and Regulatory Board (LTFRB) ang marapat gawin sa prangkisa nito.

SIYAM NA BUS TERMINAL SA EDSA IPINASARA

Magkabalikat na ipinasara ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng local na pamaha-laang lungsod ng Quezon ang siyam na provincial bus terminal sa Kahabaan ng EDSA na sakop ng lung-sod.

Bukod sa First North Luzon Bus terminal na naunang ipinasara, binanggit ni MMDA chairman Danny Lim na kabilang sa mga ipinasara ay ang:

1. ES Transport
2. Lucena Lines
3. Golden Bee Transport
4. Amihan Bus Lines
5. Golden V
6. Jac Liner
7. Five Star

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, lumabag umano ang Lucena Lines sa nose in, nose out policy bukod sa wala ring fire safety certificate at work permit ang mga empleyado nito.

Samantala, binanggit ni Lim na ang rason kung bakit ipinasara ang terminal ng Amihan at Philtranco ay sa dahilang iisa ang gi-nagamit na garahe at terminal bukod sa nag-o-operate ang mga ito nang walang:

a. mayor’s permit
b. walang fire safety clearance at
c. ilegal ang mga trabahador dahil sa kawalan ng mga kaukulang papeles.

Mariing sinabi ni Lim na marapat lamang na bigyan ng leksiyon ang naturang mga bus company dahil sa pagsuway ng mga ito sa mga umiiral na ordinansa na ipinatutupad ng lungsod.

BUS EDSAMGA BUS TERMINAL SA EDSA ISASARANG LAHAT SA HUNYO

Nakatakdang ipasara ang lahat ng bus terminal sa kahabaan ng EDSA sa buwan ng Hunyo.

Ito ang ipinahayag kamakailan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, nakipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Franchis-ing Regulatory Board (LTFRB) at sa Depatment of Transportation (DOTr) sa naturang balak na pagpapasara ng mga bus terminal pagkatapos ng Semana Santa .

Binanggit ni Garcia na nakipagpulong na sila sa LTFRB at sa DOTr at kanilang napagkasunduan na na-papanahon na upang ipasara ang bus terminals at pagkatapos ng selebrasyon ng Semana Santa, mag-sisimula ng magsagawa ng dry-run. (source: ABS-CBN news)

AVOIDING A “PASSING” ACCIDENT

“Take Note” – Many drivers resent being passed; they feel challenged or humiliated. But being passed is a normal part of driv-ing and it should not be taken as an insult to one’s ability.

However, there are dangers in being passed such as:

a. being sideswiped
b. cut off
c. force to run of the road

When being passed, always slow down and make it easy for the other vehicle to pass. Sec. 40 of Arti-cle

II, Chapter IV of the New Land Transportation Code.

PAGPAPALIT NG NAWAWALANG DRIVER’S LICENSE

Mga kapasada, sakaling nawala o nasira ang inyong driver’s license tulad ng nangyari kay Mike Cas ng Soldiers Hill, Las Pi-ñas City, papaano at saan kayo maaaring makakuha ng kapalit nito?

Makahihingi sa LTO ng duplicate ng inyong lisensiya kung nawala ito (o kaya kung ito ay nagkagutay-gutay na) pero para mag-ing madali ang paglakad ng papeles, makabubuting hingin ito sa ahensiyang pinagkunan ng orihinal.

Kailangan ang isang pagpapatunay ng pagkawala ng orihinal mula sa local police department.

Bukod dito, pasusumpain kayo ng pinuno ng isang affidavit na nagsasabi kung saan, kailan at paano nawala ang lisensiya at ito ay hindi kinukumpiska ng pulis trapiko.

G. Mike Cas, sana po, nakatulong ang pitak na ito sa inyong problema sa pagkawala ng inyong driver’s license. As always, Patnubay ng Drayber.

MGA PROBLEMA SA PAGMAMANEHO

Maraming pagkakataon na ang mga drayber ay dumaraing ng labis na kabiguan bunga ng ilang pangyayaring kanilang panini-wala ay mahirap ihanap ng lunas ang bunga ng kanilang mga pagkakamali.

Hindi pa man sinusubukan ang panguna­hing lunas na dapat gawin, ka­ramihan sa mga drayber ay su-musuko kaagad.

Hindi man lamang tantiyahin kung ang na­ging kasiraan ng kanilang minamanehong sasakyan ay hindi na kailangang ipaggawa pa sa iba.

Ang katotohanan, hindi lahat ng problema ng drayber ay grabe. Ang ilan dito ay nangangaila­ngan lamang ng ibang klaseng pagmamaniobra, gaya ng mga sumusunod:

I. PAG-IWAS SA BUMUBUNTOT

BUMUBUNTOTNakasanayan na ng karamihang drayber ang bumubuntot sa sinusundang sasakyan (tailgating). Ang ganitong asal ng kara-mihang mga drayber ay humahantong sa aksidente na ang bunga ay pagkawasak ng buhay at ari-arian.

Pakatandaan lamang na sakaling may bumubuntot sa inyong minamanehong sasakyan saan mang pook at anumang oras, tiyakin lamang na mag-iwan ng malaking distansiya sa pagitan ng inyong sasakyan at ng sinusundan.

Kung biglang kaila­nganing magpreno, may sapat na puwang o espasyong patutunguhan at hindi kayo matutumbok ng sumusu-nod.

Sa ganitong alituntunin, makaiiwas sa aksidente at maililigtas ninyo ang inyong ari-arian at maging ang inyong buhay.

II. PAGKAWALA NG KONTROL SA SASAKYAN

Maraming dahilan kung bakit nawawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan. Ang karaniwang ugali ng drayber ay ang kawalan ng panahong siyasatin kong kompleto o nasa maayos ang kondisyon ng sasakyan.

Bunga ng kapabayaan, nagkakaroon ng pagtatalo o sisihan. Para maiwasan ang ganitong sitwasyon, marapat lamang para sa isang drayber ang mabatid niya ang mga dahilan kung bakit nawawalan ng kontrol ang sasakyan samantalang ito ay pinatatakbo sa mga lansangan.

May tatlong klase ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan tulad ng:

1. Maaaring hindi kumagat ang preno
2. Maaaring tumalon ang gulong sa bilis ng pagpapatakbo at
3. Hindi gaanong sumayad sa lupa o maa­aring umikot ito dahil sa pagpreno habang kumukurba ang sasakyan.

Kung ayaw kumagat ang preno, gaanan ang tapak dito para bumalik sa dating takbo.

Kung tumatalon o umiinog naman ang gulong, alisin ang paa sa accelerator.

Sa mga pagkakataong umiikot ang sasakyan, ipihit ang manibela sa direksiyon na tinatakbo ng gulong. Sa ganitong paraan, maibabalik ang kontrol nito. (photo credit: thecarexpert.co.uk)

LAGING TATAN­DAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!

Comments are closed.