NAKATAKDANG imbestigahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga viral video ng sinasabing pagsasayaw ng aktres na si Kim Chiu sa Edsa.
Sa kumalat na video sa social media, bumaba ng kaniyang sasakyan ang aktres at saka sinayaw ang single niyang ‘Bawal Lumabas’.
Hindi man malinaw ang mukha dahil naka-face mask, ngunit naka-tag ang Instagram account ni Chiu sa nasabing post.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, aalamin nila kung talagang nangyari nga ito sa EDSA.
Iimbitahan din ng ahensiya ang aktres upang mabigay ng kanyang panig.
“We will verify the truth about the report. We will check if this video of Miss Kim Chui really happened on EDSA. We will invite her to explain her side then we will act accordingly,” pahayag ni Pialago sa kanyang Facebook account.
Kalaunan ay sinabi ni Pialago na batay sa paglilinaw ni Chiu, ang nasabing video ay kinunan sa parking lot ng isang restaurant sa Pasig City.
Umani ng batikos sa netizen ang video ni Chiu, ilan din ang pumuna sa hindi disenteng kasuotan nito habang nagsasayaw. PILIPINO MIRROR Reportorial Team
Comments are closed.