IKINAGALAK ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ginawang hakbang ni PNP Chief P/ Director General Debold Sinas na tuluyan nang sibakin sa serbisyo ang siyam sa 12 pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na military intelligence na nasa official mission
Ayon kay Sec. Lorenzana “Moving forward, we hope that the AFP and PNP learn from this incident, and take concrete steps to prevent such things from happening in the future.”
Tinatanggap namin ang pasya ni Gen. Debold Sinas na aprobahan ang pagsibak sa serbiyo ng siyam na police officers na sangkot sa pamamaril sa Jolo, Sulu noong 29 June 2020, na naging sanhi ngpagkamatay ng apat na intelligence officers ng Philippine Army.
However, we also sympathize with the families of these nine dismissed policemen who are facing long jail terms. Their families are as much a victim of the incident as the families of the soldiers who were killed,” anang kalihim.
Subalit nanatiling hustisya pa rin ang hanap ng AFP para sa pamilya ng mga nasawing sundalo
Ayon kay Marine Major General Edgard Arevalo, Commander, AFP Education, Training and Doctrine Command at AFP Spokesperson, “We understand, however, that the policemen’s separation from the service is an administrative penalty. We are one with the families of our slain soldiers in their quest for the filing of criminal charges against the said members of Jolo Police.:
Sa inilabas na statement ng AFP, hangad pa rin nila ang hustisya para sa mga biktima.
Bagamat umaasa ang AFP na mapapatawan ng wastong kaparusahan ang mga salarin ay umaasa ang kasundaluhan na babalangkas ng mga hakabangin ang PNP upang hindi na muling maulit ang kahalintulad na pangyayari.
Nitong nakalipas na linggo ay inaprubahan ni Sinas ang rekomandasyon na sibakin sa serbisyo ang siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo noong Hunyo 2020.
Kinatigan ni Sinas ang rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service na ni-review naman ng kanilang legal department.
Ang mga sinibak sa serbisyo ay sina SMSgt. Abdelzhimar Padjiri; MSgt. Hanie Baddiri; SSgt. Iskandar Susulan; SSgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan; Pat. Mohammed Nur Pasani; at Pat. Rajiv Putalan.
Maliban sa kasong administratibo, sinampahan din ang siyam na pulis ng kasong kriminal na murder at planting of evidence ng National Bureau of Investigation.
Sa ngayon, nasa restrictive custody ng PNP ang mga ito.
Sinabi naman ni Sinas na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Justice dahil kung wala pang warrant of arrest laban sa siyam ay iti-turn over na ang mga ito sa kanilang pamilya.
Mawawalan daw kasi ng hurisdiksyon ang PNP sa kanila dahil sila ay magiging sibilyan na.
Matatandaang nagsagawa lang ng intelligence at monitoring operations ang apat na sundalo sa Jolo noong Hunyo dahil sa presensya ng dalawang hinihinalang suicide bombers nang sila ay mapatay ng mga pulis. VERLIN RUIZ
Comments are closed.