PAGSIGLA NG SAPATUSAN SA MARIKINA

ANG online business  ang sikat ngayon na pinagkakakitaan, na kahit na anong edad at nasa bahay ka lang ay maaaring gawin gamit ang computer.

Kilalanin natin ang ating bida na si Jasmine Lorena, 25-anyos, may asawa at dalawang anak.

KATAPATAN ANG PUHUNAN

Sa edad na 19 ay natutong magnegosyo sa pamamagitan ng online business, na walang pinuhunan kahit singko at naging mata-pat lang sa lahat ng kanyang mga naging customer, na siyang mga suki niya sa  sandalyas na gawang Marikina.

Nagsimula ang ­ating bida sa pag-aalok thru online ng sandalyas taong 2012 na ang ipinakikita lang niya sa social media ay mga litrato ng sandalyas at tsinelas na nanggagaling sa ilang mga kapitbahay na mga  manggagawa sa San Roque, Marikina City.

Kanyang kinukunan ng litrato at iaalok online na “made to order” at ‘pag may nagustuhan ang mga customer sa kanyang alok ay humihingi siya ng downpayment sa kanilang mga order.

Ito rin ang kanyang paunang bayad sa kukuhanan niya at sa sanda­ling tubusin na ay saka na babayaran in full ang pinagawa ni-yang sandalyas sa gawaan.

3 TAONG SUNOD SA ONLINE BUSINESS

Lumipas ang tatlong  taon na patuloy niyang isinasagawa ang nasabing negosyong online ay nakaipon siya ng sapat na halaga upang siya na ang mamuhunan ng mga materyales.

Dahil ang magulang ng kanyang asawa na si Rap ay may nasarhang pagawaan ng mga sapatos ay kanya itong binuhay  muli da-hil nakatambak lang ang mga makina, padron at hulma sa pagbuo ng mga tsinelas.

NI-REVIVE ANG PAGAWAAN NG SAPATOS

Batid ng lahat na minsang bumagsak ang negosyong sapatusan sa Marikina nang pasukin ng bansang China ang nasabing si-yudad sa pamamagitan ng pagpaparating ng mga murang tsinelas, sapatos at sandalyas kung saan natalo ng siyudad dahil sa sob­rang baba ng presyo na ikinabagsak ng produkto ng Marikina.

Ngunit makalipas ang ilang taon ay unti-unti itong bumukadkad at isa si Jasmin na patuloy na binubuhay ang namatay ng nego-syo nang kanyang mga biyenan, mu­ling umarangkada ang matagal nang nakaimbak na mga makina sa pagbuo ng sapatos.

Sa ngayon ay may 30 tauhan na si Jasmin sa kanilang gawaan katuwang ang kanyang asawang si Rap.

Hindi pa nakontento ang ating bida ay sinabayan na rin niya ng pag-aaral ng Marketing sa Our Lady of Fatima University upang lalo niyang mapalago ang nasabing gawaan at mapanatiling naghahanapbuhay.

BAHAGI NG PAG-UNLAD NG SHOE INDUSTRY SA MARIKNA

Isa si Jasmin na katuwang sa muling pag-unlad ng sapatusan sa Marikina City na minsang naging matamlay dahil na rin sa so-brang  mahal ng mga materyales at pagtama ng bagyong Ondoy noong 2009.

Sa ngayon ay mu­ling nagising  at sumigla  ang Marikina Shoes na tunay namang matitibay at matery-ales fuertes sa matagal na pagkakahimlay. ELMA MORALES

Comments are closed.