(Pagsirit ng COVID-19 cases pipigilan) LOCKDOWN SA 31 BRGY SA MAYNILA IKINASA

MAYOR ISKO-1

TATLUMPU’T ISANG barangay sa Maynila ang isinailalim sa hard lockdown nang pumalo sa 147 residente ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa direktiba ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno sa 48-oras o dalawang araw na isasara ang mga apektadong  barangay.

Sa pinirmahan nitong Executive Order 31, ipatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga barangay mula 12 a.m. ng Sabado hanggang 11:59 sa Linggo, Hulyo 5.

Ang nasabing paglalagay sa lockdown ay matapos na magtala ng mataas na kaso ng coronavirus mula Hunyo 15-29.

Ang pagsasailalim sa ECQ ay para isagawa ang disease surveillance, rapid risk assesment at testing ope­rations.

Nagpatupad ng lockdown sa provincial capitol ng Cebu matapos na 15 empleyado nito ang magpositibo sa COVID-19.

CEBU PROVINCIAL GOVERNMENT ISINARA NA RIN

Samantala, sa abiso ng Cebu Provincial Government, epektibo kahapon hanggang sa Biyernes, Hul­yo 3, ay suspendido ang person-to-person transactions sa kapitolyo.

Ito ay para bigyang daan ang full disinfection protocol sa pasilidad makaraag 15 empleyado ng Cebu capitol ang nagpositibo sa COVID-19, 12 sa kanila ay residente ng Cebu City, habang ang dalawa ay mula sa Mandaue City at isa sa Talisay City.

Una nang inihayag na infection-free ang kapitolyo noong unang pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu City.

Subalit nang isailalim na sa GCQ ang lungsod at pinayagan nang makapasok sa trabaho ang mga empleyado ay doon na nagkaroon ng mga kaso. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.