WALANG dapat ikabahala sa nakitang pagsirit ng kaso sa limang lugar sa Metro Manila.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ibayong pag-iingat lamang ang kinakailangan upang agad na makontrol at mapigilan ang pagdami pa ng mahahawahan ng virus.
Kabilang sa limang lugar sa NCR na masusi nilang binabantayan ay ang Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina, at Pateros.
Ayon sa DOH Official, nasa moderate risk na ang mga lugar na ito sa Metro Manila matapos na umakyat sa mahigit 200% growth rate ang kanilang naitalang mga kaso.
Iniulat nitong araw ng Lunes na 4,634 ang bagong kaso ng COVID-19 at 51 ang naitalang pumanaw sa buong linggo mula Hunyo 20 hanggang Hunyo 26.
Mayroong 591 na bagong kritikal na mga kaso habang may pang-araw-araw na average na 662, o 53% na mas mataas kung ikukumpara sa nakaraang linggong tala.