PANSAMANTALANG inaprubahan ng National Basketball Players Association (NBPA) ang Dec. 22 bilang start date para sa 2020-21 season na may reduced 72-game schedule.
Ang 2019-20 season ay nito lamang Oktubre natapos makaraan ang apat na buwang pagkakaantala dahil sa COVID-19 pandemic, kung saan idinaos ang mga laro sa loob ng bubble sa Walt Disney World sa Orlando.
Ayon sa NBPA, ang pag-aanunsiyo sa start date ay sinundan ng formal vote ng player representatives,
“Additional details remain to be negotiated and the NBPA is confident that the parties will reach agreement on these remaining issues relevant to the upcoming season,” pahayag ng NBPA sa isang statement noong Huwebes.
Iniurong ng NBA ang draft sa Nob. 18 mula Okt. 16 kung saan ang training camps ay nakatakdang magsimula sa Disyembre.
Iniulat ng ESPN na ang pagtapos sa 2020-21 season bago ang Tokyo Olympics sa mid-July sa susunod na taon ay magkakahalaga ng mula $500 million hanggang $1 billion na short at long-term revenues sa liga at mga player.
Nakopo ng Los Angeles Lakers ang record-tying 17th NBA Championship noong Okt. 12 sa pamamagitan ng 106-93 kontra Miami Heat sa Game 6 ng best-of-seven title series.
Comments are closed.