PAGSUBASTA NG SHABU, ITINANGGI NG BOC

shabu

PINABULAANAN ng Bureau of Customs (BOC) na  shabu ang naisubasta sa  naganap na auction sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon sa  impormasyong natanggap ng PILIPINO Mirror,  ang na-auction ay mga Tapioca Starch.

Paliwanag ng BOC ay  hindi pinapayagang i-auction ang mga prohibited item sa  ilalim ng Republic Act 10863, o mas kilala  na  Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kaugnay nito  ay  nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang BOC sa kanilang mga tauhan na nadadawit sa importation ng illegal drugs.

Ang operations ng  illegal drugs ay nasa hurisdiksiyon ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ang BOC ay nakikipagtulungan lamang sa lead agency para mahuli ang mga sangkot sa illegal drugs.

Nakikipag-coordinate sa tanggapan  ni Senator Panfilo Lacson ang  BOC matapos ibulgar sa kanyang privileged speech ang pagkakadawit ng ilang tauhan ng Customs. FROI MORALLOS

Comments are closed.