PATAPOS na ang taong 2020. Panahon na naman upang suriin kung ano-ano ang mga krisis na ating kinaharap ngayong taon at alamin kung ano ang mga maaaring asahan sa taong 2021. Ang taong 2020 ay puno ng pagsubok para sa ating lahat at tayong lahat ay umaaasa na nawa’y mas maging payapa at mabuti ang taong 2021.
Kabilang sa mga sektor na nagpaplano ukol sa hinaharap nito ay ang industriya ng koryente. Nagkaroon ng online na pagpupulong ang lahat ng pangunahing mga institusyon sa nasabing industriya para sa Future Energy Show Philippines 2020. Ito ay binuo ng Terrapinn, isang internasyonal na event organizer, sa pakikipagtulungan ng Meralco.
Umabot sa libo ang bilang ng mga dumalo sa nasabing pagpupulong upang i-mapa ang hinaharap ng industriya ng koryente sa bansa. Tinalakay ng mga dumalo ang kasalukuyang takbo ng industriya at ng iba’t ibang mga pagbabago rito upang matulungan ang mga lokal na stakeholder na mailatag ang kanilang mga istratehiyang may potensiyal na magpalago sa renewable energy sa bansa.
Higit sa 80 eksperto mula sa limang malalaking content channel sa mundo: Solar Power, Energy Storage, Rural Electrification, Energy Efficiency at Grid Technology & T&D, ang dumalo at nagbigay ng partisipasyon sa nasabing kaganapan.
Isa sa mga pangunahing kaganapan sa nasabing pagpupulong ay ang talumpati ni Meralco’s Vice President and Chief Sustainability Officer, Raymond Ravelo. Tinalakay ni Ravelo kung paano ginagawa ng Meralco at ng mga katuwang nito ang pagsusulong sa sustainability sa industriya ng koryente sa bansa.
Ayon kay Ravelo, nang umupo si Atty. Ray C. Espinosa bilang presidente at CEO ng Meralco, isa sa mga pangunahing adbokasiya niya ay ang ibida ang sustainability at gawin itong sentro ng istratehiya at operasyon ng Meralco. Bilang pagsunod, ginawa ng Meralco ang agenda nito patungkol sa Sustainability, na siyang naka-base sa United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs).
Ayon kay Ravelo, patuloy na nakatuon ang atensiyon ng Meralco sa paghahanay ng agenda nito ukol sa sustainability sa UN SDG 7 upang makapaghatid ng abot-kaya at malinis na uri ng koryente. Dagdag din ni Ravelo na bilang resulta ng pagiging sentro ng UN SDG 7 sa Meralco, nakapagtaguyod ito at nagbigay ng suporta sa sampu pang SDG sa pamamagitan ng iba pa nitong inisyatiba.
Makikita sa pamamaraang ito ang komprehensibong konsepto ng sustainability na mayroon ang Meralco. Ang pangangasiwa ng Meralco sa kapaligiran ay isang malaking bahagi ng agenda nito patungkol sa sustainability.
Sa kanyang talumpati ay binigyang-diin ni Ravelo kung paano pinatatakbo ng Meralco ang agenda nito sa sustainability sa pamamagitan ng programang tinatawag na #PoweringTheGoodLife. Ang programang ito ay binubuo at suportado ng limang haligi.
Ayon kay Ravelo, ang unang haligi ay ang Community Electrification na siyang direktang may kaugnayan sa kuryente; habang ang Direct Emissions Reduction, Resource Efficiency, at Waste Management naman ay maiuugnay sa planeta. Ang panghuli, Workplace & Operational Excellence na sumusuporta sa agenda ng Meralco’s People and Prosperity.
Isa sa mahalagang nabanggit ni Ravelo sa kanyang talumpati ay ang layunin ng Meralco na makamit ang 100% antas ng energization sa nasasakupan na prangkisa nito sa unang bahagi ng taong 2021 sa pamamagitan ng Meralco Electrification Program o MEP. Ang programang ito ay dinesenyo gamit ang tradisyonal at ang makabago at sustainable na pamamaraan upang makapagbigay ng koryente sa mga komunidad na hindi na abot ng pasilidad ng Meralco.
Noong nakaraang taon, nakapaghatid ng liwanag ang Meralco sa dalawang malayong komunidad sa Isla Verde sa Batangas at sa isla ng Cagbalete sa Quezon gamit ang isang microgrid na kombinasyon ng solar PV at mga baterya. Sa Isla Verde naman, gumamit ng 32-kW na solar PV na may 192 kWh battery energy storage system (BESS). Ito ay kasalukuyang nakapagbibigay ng koryente sa 29 na kabahayan sa isla.
Sa isla ng Cagbalete, dalawang barangay na may 154 na kabahayan ang nabigyan ng koryente ng Meralco sa pamamagitan ng 60 kW na solar PV at 150 kWh na BESS. Sa pagpapatuloy ng programa ay nilalayon ng Meralco na mabigyan din ng koryente ang mga natitira pang mga bahay na wala pang koryente at pati na rin ang mga maliliit na negosyo sa isla at mga resort.
Sinisikap ng Meralco na makagawa ng mas malalaking microgrid. Layunin nito na makagawa ng microgrid na mas malaki ng 25 na beses sa ginamit sa unang yugto ng pagbibigay ng koryente sa mga nasabing isla.
Ibinahagi rin ni Ravelo kung paano tumutulong ang One Meralco Foundation (OMF), ang sangay ng Meralco na nangangasiwa sa mga programang ukol sa pagtulong sa mga komunidad, sa pagapatupad ng MEP sa pamamagitan ng mga programa nitong nagbibigigay ng koryente sa mga kabahayan at paaralan sa mga lugar na luhang nang malayo at ‘di na maabot ng mga pasilidad ng Meralco.
Noong nakaraang taon, higit sa 8,000 kabahayan ng mga pamilyang kapos sa badyet ang nabigyan ng koryente ng OMF. Kasama sa mga nabigyan ng koryente ay ang dalawang komunidad sa Pasig na walang koryente sa loob ng 15 taon dahil sa mga isyung legal.
Sa ilalim ng school electrification program ng OMF, karaniwang gumagamit ito ng 3 kW na solar PV upang may sapat na koryente para sa ilaw, bentilador, at iba pang kagamitan sa pag-aaral sa mga paaralang nasa mga lugar na hindi abot ng pasilidad. Noong nakaraang taon, umabot sa 20 na pampublikong paaralan ang nabigyan ng koryente. Tinatayang nasa 4,000 mag-aaral ang nakinabang dito.
Nakagagalak at nakapaghahatid ng inspirasyon ang malaman na nakagagawa ng marka ang Pilipinas sa larangan ng koryente na napapansin ng ibang mga bansa. Naipakita sa ginanap na pagpupulong kung paano nabibigyan ng supply ng koryente ang iba’t ibang mga industriya kasama ang mga komunidad sa mga malalayo at liblib na lugar sa pamamagitan ng paggamit ng microgrid solution.
Higit sa 5,000 katao ang dumalo sa pagpupulong. Ito ay isang malinaw na patunay sa pagpapahalagang ibinibigay ng mga stakeholder sa hinaharap ng industriya ng koryente.
Comments are closed.