PAGSUGPO SA TERORISMO HINDI MADALI — SOTTO

SEN SOTTO-2

INAMIN ni Senate President Vicente Sotto III na hindi madali  ang pagsugpo sa terorismo.

Ito ang naging reaksiyon ni Sotto  kaugnay sa kontrobersiyal na anti-terror bill.

Ani Sotto, hindi naman masusugpo ang tero­rismo sa pamamagitan lamang ng pagtugon sa kahirapan at social injustices.

Tinukoy nito, hindi naman kahirapan ang dahilan ng Al Qaeda at Abu Sayyaf sa paghahasik nila ng gulo at pananakot  kaya’t panahon na para magkaroon ng batas na may pangil laban sa mga terorista.

Binigyang diin pa ni Sotto, ilang taon na ang Human Security Act nguni’t iisa pa lamang ang teroristang nakukulong  dahil sa kawalan nito ng pangil laban sa mga naghahasik ng karahasan.

Aniya, walang katotohanan na inaalis ng anti-terror bill ang karapatan pantao dahil hindi naman nito tina-target ang mga kritiko kundi layon lamang ng naturang panukala na maparusahan ang mga terorista. DWIZ 882

Comments are closed.