SAMA-SAMANG nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang partido pulitikal at party-list groups para isulong ang kandidatura ni dating senador Bongbong Marcos sa pagkapresidente.
Sa ginanap na national convention kahapon ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) sa Thunderbird Resorts, Binangonan, Rizal, pormal ng kinumpirma ng mga kasapi ng KBL ang nominasyon sa kandidatura ni Marcos.
Kabilang sa nagpakita ng suporta ay ang Partido Federal ng Pilipinas; Labor Party of the Philippines (LPP), Katipunan ng Pamilyang Pilipino (KPP); Lakas Manggagawa ng Pilipinas (LMP); AASENSO Partylist; ABAKADA Partylist at Kalinga Partylist.
Lubos namang pinasalamatan at kinilala ni Marcos sa kanyang isinagawang virtual speech ang nag- uumapaw na suporta na ipinakita ng dumarami pang grupo katulad na lamang ng nagsidalong sina Atty. Al Vitangcol, Atty. Mark Tolentino, dating Cong. Jonathan dela Cruz at iba pang personalidad na dumalo sa naturang convention.
Binigyang diin naman ng isang kumakandidatong senador na si Atty. Gadon na tangging si Marcos lamang ang pinakamalakas na kandidato kumpara sa ilang candidates na hanggang ngayon ay patuloy pang dumarami.
“Hindi isyu dito kung anong partido ang kanyang (Bongbong) pipiliin, ang mahalaga rito ay nagkakaisa kami at dumarami ang grupong sumusuporta sa kandidatura ni Marcos,” pahayag pa ni Gadon. Benedict Abaygar, Jr
81497 860650Spot on with this write-up, I truly assume this web site wants way more consideration. Ill probably be once far more to read far a lot more, thanks for that info. 315454
533753 79138Some genuinely nice and utilitarian info on this web web site , likewise I think the layout has wonderful attributes. 834383
374638 892360Usually I dont read post on blogs, but I would like to say that this write-up really compelled me to try and do so! Your writing style has been amazed me. Thanks, quite great post. 473185