PAGSULONG NG AGRIPRENEURSHIP: ISANG KUWENTO NG TAGUMPAY MULA SA SM FOUNDATION FARMER’S PROGRAM

Kumpyansa sa pagtatanim at pagnenegosyo ang ­Iloilo farmer na si ­Arnel, dala ang kaalaman mula sa SM ­Foundation Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) on Sustainable Agriculture Program.

ni CRIS GALIT

HALIGI ng agrikultura ang mga magsasaka ng bansa. Sa kabila ng kanilang mahalagang ­papel, maraming ­magsasaka ang nahaharap sa iba’t ibang hamon ­tulad ng kakulangan sa makabagong ­kaalaman at teknolohiya, ­limitadong pondo, at kawalan ng oportunidad sa merkado.

Upang tugunan ang mga ito, inilunsad ng SM ­Foundation ang Kabalikat Sa ­Kabuhayan (KSK) on Sustainable ­Agriculture ­Prog­ram, na ­naglalayong ­magbigay ng kaalaman at kasanayan sa mga magsasaka para sila ay maging agripreneur.

Isa sa mga nagtapos sa ­nasabing programa ay si Arnel Carloto, isang magsasaka mula sa KSK Batch 298 ng Jaro, ­IIoilo.

PAGTUKLAS NG MAKABAGONG TEKNIK SA PAGSASAKA

Ayon kay Arnel, dati ay ­umaasa lamang siya sa ­tradisyonal na paraan ng ­pagsasaka, ngayon ay natuto na siya ng mga makabagong teknik: “Dati, basta na lang kami ­nagtatanim. Nung nag-aral kami sa programa ng SM, nalaman ­namin ang iba’t ibang bagay ­tulad ng proper distance, kung gaano kalalim ang hukay ng lupa, paano mag-apply ng abono at ­tamang paggamit ng ­organikong pamatay peste. Napakalaki po talaga ng naitulong.”

Matapos ang programa, naitutuloy ang ­suporta sa mga KSK farmer-beneficiaries kagaya ni ­Arnel sa ­pamamagitan ng Weekend Market sa SM Supermalls.

Kaakibat ang mga ­eksperto at agricultural trainers mula sa mga partners ng SM ­Foundation, natuklasan rin niya ang ­paggamit ang organic farming at iba pang sustainable farming practices. Ang mga kaalamang ito ay ­nagbigay-daan upang ­mapabuti nila Arnel ang kanilang ani at mapataas ang ­kalidad ng ­kanyang mga produkto at kita.

PAG-ANGAT BILANG AGRIPRENEUR

Tumatak din sa KSK ­farmer ang life principles ni Tatang ­Henry Sy, Sr. Bukod sa teknikal na kaalaman at  pagsasanay sa  entrepreneurship,  ­nakatutulong din siya sa  kaniyang mga  ­kasamahan na ­makapagbigay ng trabaho. Dito niya rin ­natutunan ang mga ­mahahalagang ­aspeto ng  ­pagpapatakbo ng isang ­agribusiness­ tulad­ ng­ ­financial­management, marketing, at product development.

Naibabahagi ni Arnel sa kanyang asawa ang mga ­business at farming techniques nakuha niya sa KSK ­training. ­Ngayon, magkaagapay ang magasawa sa ­pagtaguyod ng kanilang negosyo.

Ang mga pagsasanay na ito ay nagbigay sa kaniya ng ­kumpiyansa na magsimula ng sariling agribusiness, na ngayon ay nagbibigay ng mas malaking kita sa kanyang pamilya.

“Dati, tanim lang kami nang tanim at benta pero ngayon, kahit hindi pa kami nakapagtatanim, nalalaman na namin ang ­posibleng kitain,” masayang kuwento ni Arnel.

PATULOY NA SUPORTA: WEEKEND MARKET SA SM

Hindi lamang natapos sa pagsasanay ang suporta ng SM Foundation. Sa ­pamamagitan ng SM Group, binigyan si ­Arnel at ang iba pang mga ­graduates ng KSK ng ­pagkakataon na ­maipakita at maibenta ang kanilang mga produkto sa mga Weekend Market ng SM ­Supermalls. Ang ­platapormang ito ay nagbigay sa kanila ng ­access sa mas malaking ­merkado, na nagresulta sa mas mataas na kita at mas malawak na network ng mga kliyente.

Samu’t saring mga pananim na ang kayang ­palaguin ni ­Arnel at ng kanyang pamilya sa tulong ng mga ­makabagong farming techniques na kanilang natutunan.

Ayon pa kay Arnel,  ­“Natuto kami ng mga makabagong ­paraan ng pagsasaka at binigyan kami ng pagkakataon na maging entrepreneurs. Ang suporta ng SM sa pamamagitan ng kanilang Weekend Market ay nagbigay sa amin ng mas malaking merkado para sa aming mga produkto.”

“Masarap rin sa pakiramdam kasi may mga tao sa amin na ­talagang naghahanap ng trabaho. Dahil sa KSK, lumawak po ang aming kaalaman at nagkaroon ng trabaho,” saad pa ni Arnel.

Ang kuwento ni ­Arnel ­Carloto ay isa lamang sa ­mara­ming ­tagumpay na ­bunga ng SM ­Foundation. Sa ­pamamagitan ng programa, nabigyan ng bagong pag-asa at ­oportunidad ang mga ­magsasaka na maging mas­­ ­produktibo at ­matagumpay sa kanilang ­larangan. Ang ­inisyatibang ito ay patunay na sa tamang suporta at ­kaalaman, ang mga magsasaka ay ­maaring ­maging matagumpay na agripreneur, na nag-aambag sa pag-unlad ng ­agrikultura at ­ekonomiya ng bansa.

Simula ng maitatag ang KSK, natulungan ng SM ­Foundation ang mahigit 30,000 Pilipinong ­magsasaka upang magkaroon ng bagong pagasa, hindi lang sa ­pagsasaka at kundi maging sa agripreneurship.