PAGSULONG NG MERALCO SA RENEWABLE ENERGY

TILA  patungo na ang industriya ng koryente sa landas nang paggamit ng renewable energy (RE).

Kaugnay sa nasabing bagong direksiyon, nangako si Department of Energy Secretary Alfonso G. Cusi na mas tututukan at paiigtingin nito ang pagsusulong ng renewable energy bilang isa sa mga pangunahing pagkukuhanan ng koryente sa bansa. Ito ay kanyang ipinangako kaugnay ng Renewable Energy Act of 2008.

Ayon sa datos ng DOE noong 2019, ang RE ay nasa 33% ng kabuuang supply ng koryente sa bansa.

Noong 2020, ito ay bumaba sa 29.2%. Sa kabuuang porsiyentong ito, hydro ang may pinakamalaking kontribusyon sa antas na 14.6%. Ito ay sinundan ng geothermal na nasa 7.5%, solar na nasa 4%, wind na nasa 1.7%, at biomass na nasa 1.4%.

Ang Meralco, bilang pinakamalaking distribyutor ng koryente sa bansa, ay kaisa ng pamahalaan sa direksyong tinatahak nito. Noong Setyembre 2019 ay ipinahayag ni Meralco President and CEO Atty. Ray C. Espinosa sa ginanap na Association of Electricity Supply Industry of East Asia and the Western Pacific (AESIEAP) CEO Conference ang planong pagbabago ng Meralco ukol sa usapin ng energy roadmap nito. Mula sa high carbon (coal) ay lilipat ito sa low carbon (natural gas). Kasunod nito ay ang zero carbon (RE).

Inilunsad ng MERALCO PowerGen Corp. (MGen), ang power generation arm ng kompanya, ang MGEN Renewable Energy, Inc. (MGreen). Ang MGreen ay ang sanga ng MGen na hahawak sa mga proyekto nitong may kinalaman sa RE.

Unti-unti nang isinasakatuparan ng Meralco ang planong ito. Noong Mayo 2021 ay opisyal nitong pinasinayaan ang PowerSource First Bulacan Solar Inc. (PSFBSI), ang kauna-unahan nitong solar farm.

Ang nasabing solar plant, na tinawag na BulacanSol, ay matatagpuan sa San Miguel, Bulacan. Ito ay nagkakahalagang P42.5 bilyon. Kasosyo ng MGreen sa nasabing proyekto ang PowerSource Energy Holdings Corp, na may 40% na share sa BulacanSol.

Ayon sa MGreen, ito ay isa lamang sa nakapilang proyekto sa kanilang binubuong 1,500-MW na renewables portfolio. Plano ng grupo na buuin ang nasabing porftolio sa loob ng limang taon.

Bilang bahagi ng istratehiya ng kompanya na mas mapabilis ang pagsusulong nito ng mga proyektong RE, nagkaroon ng pirmahan sa pagitan ng Meralco at ng Beacon Powergen Holding Inc., isang sangay na pagmamay-ari ng Metro Pacific Investments Corp. at JG Summit Holdings Inc. Ang pirmahan ay ukol sa opisyal na paglilipat ng shareholdings nito sa Global Business Power Corp. (GBP) sa Meralco. Ito ay nangangahulugan na ang buong control sa GBP ay mapupunta na sa Meralco.

Ang pagsasanib-puwersa ng GBP at MGen, na ngayo’y parehong magpapatuloy ng operasyon sa ilalim ng Meralco, ay malaking tulong sa pagbuo ng MGen ng kanilang sariling RE portfolio. Ito ay maituturing na isang malaking hakbang sa pagsasakatuparan ng plano nitong magmay-ari na aabot sa mahigit na 1,000 MW na kapasidad ng RE sa loob ng limang taon.

Tila tunay na agresibo ang Meralco sa pagsusulong ng kanilang mga proyektong may kinalaman sa RE. Ilang buwan lamang matapos ang opisyal na paglipat ng kontrol ng GBP sa Meralco ay uumpisahan na nito ang pagtatayo ng kauna-unahang solar plant ng GBP. Sa pangunguna ng pangulo ng GBP na si Jaime Azurin idinaos ang groundbreaking na siyang hudyat sa pagsisimula ng konstruksiyon ng nasabing planta.

Ang bagong proyektong ito ay itatayo sa loob ng lupang pagmamay-ari ng Philippine Communications Satellite Corporation (Philcomsat) sa Baras, Rizal. Ito ay magkakaroon ng kapasidad na 115 Megawatt-peak (MWp). Inaasahan nila na magsisimula ang operasyon nito sa 2022.

56 thoughts on “PAGSULONG NG MERALCO SA RENEWABLE ENERGY”

  1. 521982 245474forty individuals that work with all of the services Oasis provides, and he is actually a very busy man, he 110769

  2. 174560 52056If you happen to excited about eco items, sometimes be tough shock to anyone them recognise that to help make exclusive baskets just for this quite liquids carry basic steps liters associated ceiling fan oil producing. dc free of charge mommy weblog giveaways family trip home gardening residence power wash baby laundry detergent 531603

  3. 406477 719681Id ought to verify with you here. Which isnt something I often do! I enjoy studying a publish that can make men and women think. Also, thanks for permitting me to remark! 459734

Comments are closed.