PAGSUSPINDE SA RICE IMPORT DELIKADO

IMPORTED RICE

INIHAYAG ni ­Pangulong ­Rodrigo Duterte na maituturing na kahangalan ang pagpapahinto sa rice importation ng Filipinas.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng isang power plant sa lalawigan ng Sarangani kamakalawa ng gabi.

Aniya, hindi lamang naunawaan nang maayos ang kanyang kautusan dahil makasasama ang hakbang na ito sa bansa.

Pagbibigay-diin ni Duterte, delikado na ipatigil ang pag-angkat ng bigas dahil na natural na nananalasa ang mga bagyo sa Filipinas na sumisira naman sa lupang sakahan.

Anang Pangulo, kailangang-kailangan ng bansa na mag-angkat ng bigas dahil hindi naman kayang tugunan ng mga lokal na magsasaka ang pa­ngangailangan ng bansa sa bigas.

Magugunitang bi­nawi ni Duterte ang kanyang unang utos na suspendihin ang importasyon ng bigas matapos ang pakikipagpulong kina Agriculture Sec. William Dar at Executive Sec. Salvador Medialdea.

“The Republic of the Philippines’ people and the producers are farmers. Lahat na ibubunga nila, harvest time, they can’t plant and harvest but it is always a contingent one in the Philippines. Now to say that to stop importation just because they’re willing to produce projected number, that would be a fully…. because I said we are the window to the Pacific Island, and you know there is never a way of knowing how much typhoon would ravage our plant including the rice plant and whether there will be a good harvest or not. So delikado na sabihin mo na… well, I completely misunderstood… sabagay, I’ve always been misunderstood. My presidency was a misunderstand venture,” anang Pangulo.  DWIZ 882

Comments are closed.