PAGSUSPINDE SA TRAIN LAW INALMAHAN

Erick Balane Finance Insider

SA KALIWA’T kanang reklamo ng iba’t ibang sektor laban sa ipinapataw na buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, nagbabala ang mga mambabatas na mapipilitan silang suspendihin ang naturang batas para sagipin ang mga apektadong mamamayan sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Mayroon anilang probisyon sa TRAIN law na awtomatikong sususpendihin ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa sandaling pumalo sa 80 dolyar kada bariles ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado dahil indikasyon ito na sinasamantala na o pinahihirapan ang mga mamamayan sa ganitong klase ng pasanin.

Pero nanindigan sina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay at BOC Commissioner Isidro ‘Sid’ Lapeña na babagsak ang koleksiyon ng gobyerno kapag agarang sinuspinde ang TRAIN law at walang maingat na pag-aaral.  Anila, maaapektu-han din ang malaking bahagi o porsiyento ng infrastructure program ng pamahalaan, partikular ang ‘Build Build Build Program’ na ang pangunahing benepisyaryo ay ang samba­yanang Pilipino.

Tutol din sa panukalang suspensiyon ng TRAIN law sina BIR Regional Directors Romulo Aguila, Jr. (City of Manila), Dra. Marina De Guzman (Quezon City), Glen Geraldino (Makati City) Manuel Mapoy (Caloocan City) at ma­ging si Deputy Commissioner for Operations Lawyer Arnel Gubal-la.

Paliwanag nila, maganda ang resulta ng implementasyon ng TRAIN law at sa katunayan ay karamihan sa regional directors at revenue district offic-ers sa buong kapuluan ay naka-meet ng kani-kanilang tax collection goal.

Kung babawiin o sususpendihin ang implementasyon nito, aminado silang mabilis din ang pagbagsak ng kanilang koleksiyon.

Ang TRAIN law ang isa sa dahilan kung bakit nakakolekta ng napakataas na buwis ang BIR at BOC. Mapipilayan, paliwanag ng finance depart-ment, ang dalawang ahensiya kapag sinuspinde ang TRAIN law o ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong ­petrolyo.

Samantala, balak din ni Negros Occidental  Congressman Albee Be­nitez  na ibaba sa P5 kada litro ang buwis sa matatamis na inumin  mula sa P10 para mabawasan din ang bigat ng epekto ng dagdag na buwis sanhi ng TRAIN law.

Sa susunod na buwan ay umaasa naman si Secretary Dominguez na maaaprubahan na rin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Tax Amnesty bill na sinasabing magiging pabor sa mga negosyante.

Sa idinaos na national convention ng 65th Rural Bankers Association of the Philippines (RBAP) kamakailan sa Davao City, sinabi ni Secretary Sonny na pursigido ang pamahalaan na maipasa ang tinawag nitong succeeding packages ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) para su-portahan ang massive infrastructure program ng Duterte administration.

Ang tinutukoy nito ay ang Package 1B na kinapapalooban ng Tax Amnesty Program.

“We hope Congress would pass the tax amnesty bill next month. If Congress pass the bill as scheduled, the government would roll out the tax am-nesty program within the year. It depends on how complex the requirements will be, but definitely before next year,” paliwanag ni Secretary Dominguez.

Ang  Tax Amnesty Bill No. 7105 ay iminungkahi mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sinusugan naman nina House Majority Floorlead-er Rodolfo Farinas at House Ways and Means Chairman Dakila Carlo Cua.

Ang nasabing panukala ay naglalayong mapataas ang tax collections sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tax amnesty sa lahat ng mga may pagka-kautang na buwis, partikular ang mga negosyante.

“Under the bill, taxpayers who wish to seek amnesty should pay a rate of eight percent of their net worth covering taxable year 2017, or P10,000 to P10 million – depending on their taxpayer classification – whichever is higher,” ani Secretary Sonny.

oOo

Para sa mga komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344 o mag- email sa [email protected].

 

Comments are closed.