PAGSUSUMITE NG BIOMETRICS BAGO MAGLAKBAY INIREREKOMENDA NG MINISTRY OF HAJJ AT UMRAH

Ministry of Hajj & Umrah

NAGPALABAS ng sirkular ang Ministry of Hajj & Umrah ng Saudi sa Massar (https://visa.mofa.gov.sa/account/hajsmartform) na nag-sasaad na dapat ikonsidera ng mga namamanata sa mga bansa na may center para sa pagpapasa ng Biometric kung maglalakbay sa Hajj at Umrah, kagaya ng Pakistan, ang pagpaparehistro ng biometric sa bansang panggagalingan pagkatapos makuha ang visa para sa Hajj o Umrah. Ang pagsusumite ng biometric bago makarating sa Kingdom of Saudi Arabia ay ini­rerekomenda upang makabawas sa oras ng paghihintay sa airport at upang mapadali ang pagpasok sa KSA.

Kamakailan lang, naiulat na daan-daang mga bisita ang hindi pinapasok at pinabalik sa airport dahil sa hindi pagsunod sa tamang pagpoproseso ng visa. Upang maiwasan ito, dapat makuha ng mga namamanata ang tamang visa sa pamamagitan ng mga travel agent na nakarehistro sa Hajj and Umrah Committees ng bansa. Tandaan na ang kalalabas pa lang na tourist e-visa ay HINDI MAGAGAMIT upang makapasok sa Kingdom of Saudi Arabia para isagawa ang Hajj o ang Umrah. Kung wala ang tamang visa at mga dokumentasyon, ang mga namamanata ay pagmumultahin at/o pababalikin sa pinanggalingang bansa.

PANGUNAHING BENEPISYO SA PAGKUHA NG BIOMETRICS

KINAKAILA­NGANG PROSESO. Kinakailangang magpakita ng biometric information upang makapasok sa Kingdom of Saudi Arabia. Nanganganib na ma-deport ang mga namamanata kung hindi susundin ang angkop na pagpoproseso ng visa.

Sa sandaling makompleto ang kabuuang pagpoproseso ng visa kabilang na ang pagpapasa ng biometric information, payapa nang makapaglalakbay ang mga namamanata.

MENOS SA ORAS. Aabutin lang ng 10 minuto upang makapagparehistro ng biometrics sa visa service center ng panggagalingang bansa kung makakapagpa-book ka nang mas maaga. Samantalang ang oras na gugugulin pagdating sa airport ay maaaring mas mahaba depende sa haba ng pila sa airport. Sa sanda­ling makompleto ang pangongolekta ng biometric sa pinanggali­ngang bansa, kailangan lang na dumaan ang mga namamanata sa cus-tom nang mapatatakan ang kanilang passport sa immigration pagdating nila ng Saudi Arabia.

LIGTAS AT MABISA. Ang mga biometrics sa pinanggalingang bansa ay kinokolekta lamang ng visa service center na awtorisado ng Ministry of Foreign Affairs, Kingdom of Saudi Arabia, gamit ang isang ligtas at madaling pro­seso na kumukuha ng litrato gamit ang isang digital camera at isang 10-digit fingerprint scan na mayroong digital finger scanner.

Makokompleto ang pagpapasa ng biometric sa mismong bansang panggagalingan bago maglakbay, o pagdating sa King Abdulaziz International Airport o sa Prince Mohammed Bin Abdulaziz International Airport.

Comments are closed.