UMAASA ang Department of Health (DOH) na magkakaroon na ng pagbabago sa pagsusumite ng mga laboratoryo ng report sa kagawaran, hinggil sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil tungkulin ng mga laboratoryo na magsumite ng report sa DOH hinggil sa mga kaso ng COVID-19 ngunit marami aniyang mga laboratoryo ang hindi nakakasunod.
Sinabi ni Vergeire na nakipag-ugnayan at naipabatid na nila sa mga naturang laboratoryo na kanilang obligasyon na magkaroon na ng improvement sa mga naturang report.
Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay nangangahulugan lamang na mas tumatataas pa ang testing capacity at bumibilis din ang kanilang pag-validate sa mga resulta nito. DWIZ882
Comments are closed.