PAIIRALIN pa rin ng Manila International Airport Authority (MIA) ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay MIAA Spokesperson Connie Bungag, maging sa labas ng airport ay obligado rin magsuot ng face mask ang mga kaanak na maghahatid o sasalubong.
Aniya, maging sa open space ng departure curbside ng NAIA terminals, ire-require pa rin ang pagsusuot ng face mask dahil madalas ang siksikan lalo na ang mga well-wisher lalo’t hindi nasusunod ang social distancing protocols.
Nagpahayag din ang MIAA na maglalagay sila ng signages sa loob at labas ng mga paliparan na dapat pa ring magsuot ng face mask upang maiwasang mahawa sa COVID 19.
Kamakalawa ay inaprubahan ng Malakanyang ang optional na paggamit ng facemask sa outdoor areas. Froilan Morallos