DAPAT magsuot din ng face mask sa loob ng mga tahanan, lalo na sa mga pamilyang hirap na mag-obserba ng social distancing.
Ipinayo ito ni Interior Secretary Eduardo Año kasunod ng pahayag ni COVID-19 response chief implementer Secretary Carlito Galvez na bukod sa workplace ay maaari ring maikonsiderang critical areas para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga lugar kung saan nagkukumpulan ang mga tao.
Ayon kay Año, maaaring magsuot ng face shield bukod pa sa face mask upang mapigilan ang pagkahawa sa COVID-19 lalo na at nasa bawat pamilya na ang transmission ng virus.
Hinikayat din nito ang publiko na magsuot ng face shield hindi lamang sa mga pampublikong transportasyon o mga sasakyan, kundi maging sa mga papmpublikong lugar gaya ng palengke, ospital at quarantine facilities.
Naitala na mayroon nang 129,913 kaso ng COVID-19 sa bansa araw ng Linggo habang 67,673 sa mga ito ang gumaling na habang 2,270 ang mga nasawi.
Comments are closed.