HINILING ni Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol Jr., na gawing mandatory ang pagsusuot ng face-shield para sa lahat ng mga lugar na nasa ilalim ng community quarantine.
Ayon kay Datol, bukod sa pagsusuot ng mask ay dapat obligahin na rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang publiko na magsuot ng face-shield bilang karagdagdang proteksyon.
Upang matiyak na masusunod ito, dapat na atasan ang mga alkalde at mga gobernador sa mga lugar na magbigay ng libre at tuluy-tuloy na supply sa kanilang mga mahihirap na constituents ng face masks, face shields at personal hygiene items.
Aniya, ngayon pa lamang dapat ay nagpaplano na ang mayors at governors kung paanong ligtas na mababakunahan ang mga residenteng nasasakupan.
Iminungkahi nito na magtayo na lamang ng vaccination tents sa bawat kalye o street na hindi makokontamina ng virus dahil sa ito ay ‘open-air’ pero kapag senior citizens ang babakunahan ay saka lamang magbabahay-bahay.
Bukod sa face shield ay inihirit din nito sa IATF na ipatupad ang 2 metro na minimum para sa social distancing sa lahat ng pampublikong lugar sa halip na 1 metro lamang. CONDE BATAC
Comments are closed.