PAGSUSUOT NG FACE SHIELD IPINAREREKONSIDERA SA PANGULO

NANAWAGAN  si Speaker Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang polisiya kaugnay sa pag-oobliga sa mga tao na magsuot ng face shield.

Sa liham na ipinadala ni Velasco sa Pangulo, tinukoy ng Speaker ang economic at medical concerns sa mandatory na pagsusuot ng face shield.

Nakasaad sa liham na ang faceshield requirement ay dagdag na financial burden lamang sa mga Pilipinong nahihirapan na nga sa epekto ng pandemya.

Tinukoy rin ni Velasco ang kawalan ng matibay na medical proof o ebidensya na ang paggamit ng face shield ay epektibo para mapigilan ang transmission o pagkalat ng COVID-19.
Maging ang World Health Organization at maging ang US Center for Disease Control and Prevention ay inirerekomenda lang ang paggamit ng eye protection gaya ng goggles at face shield sa mga direktang nag-aalaga ng COVID-19 patient.

Dahil dito, hinihiling ni Velasco sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Department of Health (DOH), na parehong nasa ilalim ng Executive Department, na irekonsidera ang mandatory na pagsusuot ng faceshield sa labas ng bahay tulad ng mga mall, commercial establishment, at public transportation.

Batay aniya sa COVID-19 Low Income Household Panel and Economic (HOPE), 56% ng mga Pilipino ang walang makain ngayong pandemic kaya naman ang P20 hanggang P50 na presyo ng faceshield ay pandagdag na sanang pambili ng pagkain ng isang mahirap na pamilya. Conde Batac

4 thoughts on “PAGSUSUOT NG FACE SHIELD IPINAREREKONSIDERA SA PANGULO”

Comments are closed.