PAGTA-TRAVEL: NAKAGUGUTOM NGA BA?

TRAVEL-15

(ni CT SARIGUMBA)

NAKAGUGUTOM nga ba ang pag­liliwaliw o pagta-travel? Ano-ano nga ba ang dahilan kung kaya’t kapag nagtutungo tayo sa ibang lugar ay naghahanap ng makakain o laging kumakalam ang sikmura?

Kung tutuusin, ma­rami naman talagang dahilan kung kaya’t madalas ay naghahanap tayo ng pagkain kapag nasa ibang lugar. Hindi nga naman maiiwasan at mahihindian ang mga pagkaing ipinagmamalaki ng bawat lugar. Kadalasan din ay nawawala tayo sa ating sarili at gusto nating lantakan ang kung ano mang nasa ating harapan.

Ngunit may mga paraan din naman kung paano ito maiiwasan nang maging healthy at maiwasan ang madag­dagan ng timbang. Kaya naman, narito ang ilang dahilan kung bakit napapakain ang marami kapag nagta-travel at kung paano ito sosolusyunan:

PAGBABAGO NG TIME ZONE

TIME ZONEUnang-una nga namang dahilan ay ang pagbabago ng time zone. Sa pagtungo nga naman natin sa isang lugar ay nagbabago ang kung ano mang ating nakasanayan.

Kung nasa bakasyon tayo, kadalasan ay nagpapahinga tayo at gusto lang nating kumain at matulog.

Kumbaga, kapag nasa ibang lugar ay nababago ang ating routine o nakasanayan dahil wala tayong iniisip na trabaho. Dahilan din ang pagbabago ng nakasanayan kaya’t tila lagi tayong natatakam na kumain. Kung ano-ano pa naman ang naiisip nating kainin.

Para naman maiwasan ito, piliin o ugaliin ang pagkain ng healthy. Huwag mag-skip ng pagkain at kumain sa oras.

KAKULANGAN SA TULOG AT PAHINGA

May ilan sa atin na walang ginawa kundi magpahinga sa bakas­yon. Kumbaga, kain at tulog lang ang gustong gawin.

Ngunit may ilan naman na kabaliktaran: ayaw matulog at gustong libutin ang lugar na pinuntahan.

Hindi naman talaga maiiwasang sulitin natin ang oras at panahon lalo’t nasa ibang lugar tayo. Gayunpaman, huwag naman tayong magpupuyat. Im-portante ring nakapagpapahinga tayo nang maiwasan natin ang pagkain ng marami na maaaring mauwi sa obesity.

PAGIGING DEHYDRATED

Pangalawa sa dahilan kaya’t nakadarama tayo ng gutom kapag nagta-travel ay ang pagiging dehydrated. Kapag dehydrated tayo, mas napalalakas ang kain natin. Inaakala kasi ng ating sistema na gutom tayo kahit na nauuhaw lang pala.

Kaya naman, para maiwasan ang dehydration, ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig. Oo, kung minsan ay nangangamba tayong uminom ng maraming tubig kapag nagta-travel dahil baka nga naman maihi tayo.

Gayunpaman, importante ang pag-inom ng tubig nang mapa­natiling hydrated ang katawan at maiwasan ang mapakain ng marami. Kaya magbaon lagi ng tubig saan man magtungo.

NAGKALAT ANG IBA’T IBANG KLASE NG PAGKAIN

PAGKAIN-15Kung kakaiba nga naman ang pagkaing nasa ating harapan at katakamtakam ito, talaga nga namang mahihirapan tayong magpigil ng sarili. Maraming lugar pa naman ang dinarayo para lang matikman ang mga putaheng kanilang ipinagmamalaki.

Oo, sa tuwing magta-travel tayo o magtutu­ngo tayo sa ibang lugar ay hindi talaga nawawala ang pagkain. Sayang din namang kung hindi natin ito ti-tikman.

Gayunpaman, sabihin mang napakaraming putahe ang tila nagpapagutom sa iyo, kumain pa rin ng tama. Kumbaga, maging mapili sa pagkain.

Isa nga naman sa goal natin ang makara­ting sa iba’t ibang lugar para maipahinga ang sarili, gayundin ang isipan. Oo, marami nga naman tayong ob-ligasyong ginagampanan at kaila­ngan din nating magpahinga at maglaan ng panahon sa ating sarili’t pamilya.

Ngunit huwag naman sanang maging dahilan ang pagbabakas­yon o pagta-travel upang ma­ging obese o bumigat ang ating timbang.

Sa isang pag-aaral, lumalabas na mas malaki ang porsiyento ng pagiging obese ng mga taong mahilig mag-travel.

Kaya naman, iwasan ang mga maling nakagawian sa pagta-travel nang ma-enjoy natin ito. Maging responsable rin tayong traveler. (photos mula sa blog.myfitnesspal.com, the anxioustraveller.com)

Comments are closed.