PAGTA-TRAVEL, PINAKAMAGANDANG INVESTMENT

MARAMI ang may kakayahang mag-travel. Sa isang kisap lang ay kayang-kaya nilang magtungo sa lugar na gusto nilang puntahan. Walang kahirap-hirap. Pero mayroon din namang walang kakayahang ma-ra­ting ang iba’t ibang lugar kahit pa sabihing gustong-gusto nilang makalabas ng bansa o malibot ang Filipinas. Iyong tipong ginawa na ang lahat pero bigo pa rin silang maka­pagliwaliw.

Hindi nga naman pare-pareho ang estado ng buhay ng mga nilalang sa mundo. May ilan na suwerte dahil maganda ang buhay na mayroon sila.

Samantalang marami rin naman ang hikahos, Hindi magawang mag-travel kahit na gustuhin nila. Pagkain nga lang sa araw-araw, pinoproblema nila, sasagi pa kaya sa isip nilang mag-travel?

Oo nga’t maraming tao ang tila nawawalan ng pag-asa sa buhay dahil sa hirap ng buhay na tinatamasa nila. Pero sa kabila ng katotohanang maraming nagugutom sa mundo at hikahos sa maraming bagay, may pag-asa pa rin naman tayong umayos at umalwan ang kinasasadlakan nating buhay. Hindi nga ba’t kung gusto ay may paraan at kung wala naman, may dahilan?

Kung gusto nating gumanda ang buhay natin, magsakripisyo at magsipag tayo. Iwasan ang pagtunganga. Hindi tayo si Juan Tamad na maghihintay na lang na malaglag ang bayabas. Kung ganoon ang attitude natin, walang mang­yayari sa buhay natin. Wala tayong mararating.

Lahat naman ng bagay may paraan. Kaya naman, kung gusto mo talagang marating ang mga lugar sa bansa na magaganda at ipinagmamalaki, magagawa mo. Kung gusto mo, makagagawa ka ng pa­raan. Mahirap pero makagagawa ka.

Tunay nga namang napakasarap mag-travel. Ang pagta-travel din ay matatawag na pinakamagandang investment—hindi lamang sa mga magulang o nakatatanda, lalong-lalo na sa mga bata.

Narito ang ilan sa dahilan kung kaya’t ang pagta-travel o pagtungo sa iba’t ibang lugar ay isang magan-dang investment:

MAKIKITA MO ANG KAGANDAHAN NG MUNDO

TRAVELAno pa nga ba ang makapagpapaligaya sa ating mga mata at puso, hindi ba’t ang makakita ng magagan-dang lugar? Hindi ba’t ang masilayan ang mga lugar na dinarayo ng mga dayuhan? Sayang naman kung ang ibang lahi ay nakarating na sa mga lugar na ipinagmamalaki natin samantalang tayo mismong mga Filipino ay hindi man lang natin nasilayan.

Nakapagpapa-relax ang pagta-travel, mag-isa ka man o kasama mo ang iyong pamilya at mga kaibigan.

Kaya kung may panahon kayo o pagkakataon at kaya naman ng budget, subukan ninyong mag-travel. Hindi rin naman kaila­ngang sobrang mahal ang magagastos mo sa pupuntahan mong lugar.

Puwede namang sa malapit ka lang muna pumunta. May mga pa­raan din para makamura o makatipid, gaya na lamang ng pag-aabang ng promo.

Kapag may mga promo sa eroplano at hotel halos bumababa ng kalahati ang presyo.

Maging masipag lang at matiyaga sa pag-aabang ng promo.

MARAMING NAIDUDULOT NA KAGANDAHAN AT KABUTIHAN

Marami ring nai­dudulot na kagandahan at kabutihan ang pamamasyal o pagtungo sa iba’t ibang lugar. ­Unang-una, nakatutulong ito sa ating kalusugan. Kapag nasa ibang lugar nga naman, nakadarama tayo ng kaligayahan at kapayapaan. Nawawala rin pansamantala ang stress at problemang nagpapahirap sa atin. Nagkakaoon din tayo ng pag-asa.

Dahil din sa pamamasyal, nagiging fresh ulit ang ating isipan. At higit sa lahat, nagkakaroon tayo ng mga bagong kakilala na maaari nating magamit sa trabaho o negosyong mayroon tayo.

NAKAKA-BONDING ANG PAMILYA AT MGA KAIBIGAN

Bonding ng pamilya, isa ito sa hindi mapapantayan ng kahit na anong materyal na bagay. Okey, sabihin na nating nakapagba-bonding naman kayo sa bahay. Puwedeng lumalabas kayo para kumain sa restaurant o manood ng sine. Pero iba pa rin ang pakiramdam nu’ng nasa ibang lugar kayo at pawang pagsasaya ang inyong inaatupag.

Minsan kasi, sabihin mang nakapag-uusap kayo sa bahay, may distractions naman gaya ng gadgets o kaya trabaho.

Kailangan din si­yempre ng marami sa atin ng panahon sa isa’t isa o pamilya. Iyong walang distraction. Iyong wa­lang nakaiistorbo. At isang magandang paraan para malayo sa distractions gaya ng trabaho at gadget ay ang pagtungo sa ibang lugar.

Ang pamamasyal kasama ang pamilya at maging ng mga kaibigan ay maituturing na katangi-tangi at hindi malilimutan.

LUMALAKAS ANG LOOB AT NAWAWALA ANG TAKOT

TRAVELKahit naman sino sa atin ay may mga takot sa puso. Marami ring dahilan ang pagkakaroon ng takot. Gaya na lamang ngayon na kayraming nangyayari sa paligid. Hindi mo na nga alam kung kailan at saan ka magiging ligtas. Kumbaga, sa kahit na anong panahon at sa kahit na anong lugar, maaari tayong mapahamak.

Sa pamamagitan ng pagta-travel, nabibigyan tayo nito ng lakas ng loob at nawawala ang takot na nananahanan sa ating puso.

Kahit papaano ay natutulungan tayo nitong mapalakas ang ating loob. Siguro sa simula, kakabahan ka lalo na kung mag-isa ka.

Pero sa susunod na pamamasyal mo, mawawala na ang takot na iyon at mapapalitan ng ligaya.

Sa pagta-travel din, matuturuan kang ma­ging madiskarte at mag-isip ng mabilis.

NAGKAKAROON NG MASASAYANG MEMORIES

Sa totoo lang, ayaw mang aminin ng marami sa atin ngunit walang katiyakan ang pananatili natin sa mundo. May ilan na uugod-ugod na bago nawala. May ilan namang halos hindi pa nae-enjoy ang buhay pero nasa kabilang hantungan na.

Ano’t no pa man, huwag na huwag nating sayangin ang panahon at oras na mayroon tayo. Mag-enjoy. Gumawa ng mgagagandang memories kasama ang mga kaibigan at lalong-lalo na ang pamilya. Sa pag-gawa ng masasayang memories, malaki ang maitutulong ng pamamasyal—sa iyo at ma­ging sa iyong buong pamilya.

Hindi mapapalitan ang kaligayahan. Hindi rin ito mananakaw. Ito lang ang isang bagay na maaari mong madala saan ka man tutungo. (photos mula sa google) CS SALUD

Comments are closed.