PAGTAAS NG ANI NG PALAY TUNGO SA P20 BIGAS SINUPORTAHAN

UMAANI ng suporta ang plano ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na itaas ang dami ng ani ng palay (Masagana 150, Masagana 200).

Ito’y makaraang suportahan ng Bagong Maunlad na Pilipinas Movement (BMPM) Inc. ang naturang plano na nakikitang malaking tulong para tiyakin ang food security, pagtaas ng kita ng magsasaka, at maibaba ang presyo ng bigas para matulungan ang mga mamimili.

Ikinagalak ni Gary dela Paz, chairman ng BMPM, ang mga sinimulan ng Pangulo at ipinahayag na sinasagot ng grupo ang hamon sa pamamagitan ng pagtayo ng Agriculture Action group para mabigyang solusyon ang ibat ibang problema sa agrikultura, makagawa ng livelihood programs at maiangat ang estado ng pamumuhay ng grupo at mga karatig komunidad.

Ang BMPM na may higit 200,000 miyembro ay kaanib ng Alliance of Progressive Organizations (APO) na may proyekto mula sa pagpapatubo ng ube sa Jala-Jala, pagtulong sa mga nagtatanim ng kape sa Sagada, livelihood programs sa mga miyembro nito subalit nakikitang bigas ang pinakamaagap at pinaka mahalagang masimulan dahil sa kinakailangang seguridad sa pagkain at maibaba ang presyo nito sa merkado.

Napag-alamang binuo ng BMPM ang Agriculture Action Group, kalipunan ng mga espesyalista, magsasaka, homegrown para sa e-commerce at data analytics, logistics na kumpanya, socio civic organization para sa livelihood programs, fusion work para sa communication, eksperto sa renewable energy, APO Institute of development Studies para sa training ng mga kpmpanya sa seedlings.

Sa pakikipag ugnayan sa mga magsasaka at eksperto ay nakikita ng grupo na makatutulong para makamit ang P20 na bigas sa pamamagitan ng pagtaas ng ani kada ektarya mula 4T/ha (80 cavans) papunta sa 8Tha (160 cavans) o higit pa tungo sa 12T/ha (240 cavans) na magagawa sa paggamit ng high yield na mga buto/punla na ginagamit at napatunayan sa mga sakahan.

Nakapagtaguyod ang BMPM ng Online Store upang gumamit ng affiliate + direct-to-customer na modelo sa tulong ng homegrown upang magkaroon ang mga miyembro ng sariling tindahan ng walang kapital na madali at mabilis na paraan para sa karagdagang kita.

Naniniwala ang grupo na mapapaunlad ang agrikultura sa pamamagitan ng pagtaas ng ani kada ektarya ng makinarya, pagtatanim ng high value crops sa mga magsasaka. BENEDICT ABAYGAR, JR.