DAPAT na maging maagap ang gobyerno sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Mayorya ito ng sinabi ng ilang presidential candidates sa pagkapangulo sa ginanap na debate kamakalawa.
Para kay ka Leody De Guzman, kailangang paunlarin ng mga awtoridad ang research at development, upang mapigilan ang magiging kakulangan sa pagkain at magkaroon ng sapat na pondo ang sektor ng kalusugan.
Isinulong din ito ni Senador Panfilo Lacson sa tulong na rin ng kaniyang mungkahing magtayo ng Virology Institute.
Samantala, para naman kina Vice President Leni Robredo at dating defense secretary Norberto Gonzales, kailangang palawakin ang coverage ng pagbabakuna upang mapigilan ang isa pang surge.
Ang pagpapaigting ng contact tracing ang nakikita ni Senador Manny Pacquiao at ni Jose Montemayor Jr.
Samantala, pagtuon naman sa bakuna kontra COVID-19 ang dapat pagtuunan ng pansin para kay Faisal Mangondato. DWIZ882