PAGTAAS NG KRIMEN TUWING HOLIDAY SEASON, ‘DI  TOTOO – PNP

PNP-Chief-Dir-Gen-Oscar-Albayalde

CAMP CRAME  – WALANG  katotohanan ang mga impormasyong  dumarami ang bilang ng krimen sa panahon ng Kapaskuhan.

Batay sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), Umabot sa mahigit 191,000 ang krimeng naitala sa buong bansa mula Setyembre hanggang Disyembre 2016.

Subalit  noong 2017, bumaba na ito sa 154,000 at  noong 2018 ay muling tumaas ang bilang na umabot sa 163,000 ang krimen.

Nangangahulugan ito na hindi basta tuwing Ber lang dumadagsa ang krimen.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, na ang nasabing datos partikular ang pagbaba at pagtaas ng krimen ay nakadepende sa galaw ng pulis at kung pinaigting ang police visibility, anti-illegal drugs ope­rations, at intelligence gathering ay napahihina nito ang krimen. REA SARMIENTO

Comments are closed.