PAGTAAS NG NAIBAHAGING BILANG NG PALUPA SA MGA MAGSASAKA IPINAGMALAKI

TINATAYANG  umaabot sa 71,360 titulo ng lupa na katumbas ng 85,853 ektarya ang naipamahagi na ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 68,427 na magsasakang benepisyaryo ng land reform na programa sa ilalim ng unang taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM).

Ito ay ipinahayag ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa kanyang ulat sa nakaraang budget hearing sa House Committee on Appropriations ng Kongreso. Sa naturang bilang 49,484 na titulo na tinatayang katumbas ng 43,623 ektarya ang naipamahagi na sa 43,623 na magsasakang benepisyaryo ng programang land reform sa loob lamang ng Enero hanggang Hulyo 7 ng kasalukuyang taon.

Kumpara sa nakaraang administrasyon ng DAR, ayon kay Estrella III, 2,343 na titulo ng palupa na tinatayang aabot sa 2,159 ektarya lamang ang naipamahagi mula Enero hanggang Disyembre ng 2021 sa 3,393 magsasaka.Kung ihahambing sa naipamahagi sa panahon ng administrasyon ni PBBM mula Hulyo hanggang Disyembre ng 2022, ang bilang ng titulong naipamahagi sa 6,945 magsasaka sa programang land reform, ay mas higit na tumaas at umabot sa 6,736 o katumbas ng 8,991 ektarya.

Tinawag ni Estrella III na “record breaking performance” ang naturang pamamahagi ng e-titles sa ilalim ng “Project Support to Parcelization of Land Titling “(SPLIT), kung saan ay hinati hati sa mga parsela ang mga lupain na nakapaloob sa “Collective Certificates of Land Ownership Awards).

Tinatayang 1.6275 porsiyento ang itinaas ng naipamahagi mula Enero hanggang Hulyo sa taong 2023 ng kasalukuyang administrasyon na tinatayang aabot sa 33,654 na e-titles katumbas ng 46,241 ektarya ang naipamahagi sa 29,320 nq ARBs o Agrarian Reform Beneficiaries.Ito ay higit na mataas at marami umano kumpara sa 2,343 na bilang ng titulo lamang na naipamahagi ng nakaraang administrasyon na may katumbas na 3,393 ektarya ng lupa na naipamigay sa 2,159 benepisyaryong magsasaka lamang mula Marso 2021 to Hunyo 2022 sa nakaraang administrasyon.

Isa pa sa ipinagmamalaking napagtagumpayan pa umano ng DAR sa ilalim ng kanyang pamamahala sa unang taong ng administrasyon ni PBBM ay kabilang ang paglagda sa Republic Acr No. 11953 o ang “New Agrarian Reform Emancipation Act” kung saan ay nagbigay ng kondonasyon ang ahensya sa mga di nabayarang hulog at utang sa mga naipamahaging lupain sa DAR ang mga magsasaka kabilang ang mga interest at surcharges.

Nakasaad sa naturang batas na ang pamahalaan ang sasagot sa obligasyon ng 10,201 ARBs na pagpapatitulo ng 11,531.24 ektarya, upang mabayaran ang natitirang balance o direct compensation due ng mga naturang magsasaka na napapalaoob sa program ng Voluntary Land Transfer (VLT) na nagkakahalaga ng P206,247,776.41 milyon.

Nakatakda umanong ipamahagi ng DAR ang natitirang target ng hindi bababa sa 30,000 na mga titulo para sa taong ito upang makumpleto ang target nito para sa 2023 upang maipamahagi ang kabuuang 80,000 mga titulo sa ating mga ARB sa buong bansa.

Ayon kay Estrella, nagpahayag ang mga mambabatas ng suporta sa hakbang na taasan ang 2024 budget ng DAR na umabot lamang sa P9.392-bilyon mula sa P 16 B sa 2023. Napansin ng solons na ang panukalang 2024 budget ay hindi sapat para matustusan ang tatlong pangunahing programang itinulak noong 2024 ang pinabilis na pamamahagi ng lupa, mas mabilis na paghahatid ng hustisyang agraryo at estratehikong pagkakaloob ng mas malawak na suportang serbisyo para sa mga magsasaka.
Ma. Luisa Garcia