PAGTAAS NG POULTRY PRODUCTS PATULOY

ISINIWALAT  ng isang grupo ng livestock raisers ng mga itlog at poultry products na asahan na ang patuloy na pagmahal ng presyo ng mga produkto ng manok dahil mula pa noong 2023 nalulugi na aniya sila at marami nang nagbawas ng produksyon dulot ng pakikipagkompetensya ng mga bumabahang imported na produkto nito.

Sa pahayag ni Gregorio, “Joji” San Diego, Chairman ng Emeritus ng United Broiler Raisers Association (UBRA), murang naiaangkat ng mga importer ang produkto subalit naibebenta ng mahal sa merkado.

Sinabi nito na mayroong kaunting ini-import na itlog, frozen egg, powdery egg ang bansa. Locally produced umano ang mga fresh eggs na naka-tray na ibinebenta sa palengke. May mga inaangkat na itlog galing sa Amerika na mga manok at produkto nito na ang iba ay ginagawa, halimbawa na mayonnaise.

Maging sila aniya ay nabigla na may nagbenta ng sobrang mataas na presyong P250 kada kilo ng manok sa Munoz Market.

“Sa totoo lang mataas talaga ang farm gate price.Kumbaga sinasabi nga naming record high. Kasi ang monitor namin P143. Ngayon, kung ita- translate mo yan sa palengke yung normal na patong na P50 to P70, ang malapit lapit kasi tumataas din ang gastos ay 59 percent yan nakadeliver na sa palengke,” sabi niya.

“Lalabas yan P207. Ah 25 something (yung sa Munoz), masyadong mataas.Masyadong mataas yun, ” ang pahayag ni San Diego.

Sa kasalakuyan, isiniwalat ni San Diego na marami na ring mga nakapasok na imported na manok sa bansa na nakikipagkompetensya pa umano sa mga lokal na produkto kahit mahal. “Matagal na naming sinasabi sa gobyerno yan lalo na sa DA, na hindi naman totoo yung mga sinasabi ng mga economic managers. Gusto natin pababaan ang presyo para sa mga populasyon natin, para sa mga kababayan natin.Mag -import tayo ng murang manok.E alam mo ‘yang mga importers naman kaya ‘yan nag import para kumita eh,” sabi pa ni San Diego.

Ayon kay San Diego, natutuwa ang mga importer kapag mataas ang presyo ng mga lokal na manok, dahil kayang ibenta ng mahal yung murang imported na manok sa mas mahal na presyo sa merkado.

“Kaya sila tuwang tuwa ‘pag mataas ang presyo ng manok dito.Mataas din nilang naibebenta yung murang nakuha nila.Parami nang parami ang ini-import natin.Pataas naman ng pataas ang presyo,” ang dagdag pa ni San Diego.

“Kaya nga sa ganitong sitwasyon natin, dahil sa import, baboy man yan o manok.Umaatras ang local production,”sabi ni San Diego. Nagbabawas kami kasi nalulugi kami.Mula Oktubre mula ng isang taon , nalulugi na kami sa broiler,”ang paliwanag pa nito.

Hanggang sa Abril ng taong ito, binigyang diin ni San Diego na nalulugi ang local producers ng mga itlog at poultry products. “Kaya ganito kakaunti ang supply natin kasi yung mga nagpo-produce ng mga day old chicks, na mga inaalagaan ng mga broiler nagbawas din kasi nalulugi na sila,”sabi niya.

“Kaya maano ang problema, kaya matagal tagal itong tumataas ang presyo dahil mahirap maka-recover dahil umatras na kasi ang ibang breeder,”paliwanag ni San Diego.

Upang maituring na hindi na malulugi ang broilers ang dapat ay nasa P100 hanggang P110 lamang ang farm gate prices.Subalit bahagyang nagmahal ang farm gate dahil sa mas kumunti ang lokal na produksyon.

Ngayon aniya marami ng nagtitinda sa palengke ng imported na manok o frozen. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia