PAGTAAS NG PRESYO NG GALUNGGONG PINUNA

PINUNA  ng isang agricultural group pagtaas ang presyo ng galunggong at iba pang isda sa merkado kahit sapat ang suplay ng mga ito.

Sa ibang pamilihan ay mahigit sa P200 ang presyo ng kada kilo ng galunggong.

Sa fish market sa Dagupan City ay dumoble pa ang presyo ng galunggong mula P100 hanggang P120 umakyat na ito ng P180 hanggang P200 ang kada kilo.

Batay naman sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), naglalaro sa P160 hanggang P260 ang kada kilo ng galunggong sa Metro Manila mula sa P180 hanggang P200 mula ng nakalipas na linggo.

Ayon kay SINAG President Rosendo So, hindi dapat lumagpas ng P200 ang kada kilo ng galunggong dahil sapat ang suplay nito at iba pang uri ng isda.

Sinabi naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) na dapat ay matatag ang presyo ng isda.

“Dahil nasa ano pa rin tayo ngayon eh…wala tayong nakataas na closed fishing season. So tuloy tuloy ang pangingisda ng ating mga mangingisda,“ ayon kay Nazario Briguerra, Spokesperson BFAR.

Samantala sinabi naman ng DA na upang matiyak ang suplay ng isda kailangan tiyakin pa ang aqua culture industry sa bansa.At mamahala ring magpatupad ng closed fishing season para mapalago ang populasyon ng isda.

“In order to have more fish in the future, we have to control the number of our harvest at mag -time area closures talaga para bumalik yung sigla,” ani DA Secretary Franciso Tiu-Laurel Jr. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia