BUMAGAL ang residential real estate prices ng iba’t ibang uri ng bagong housing units sa bansa sa second quarter ng taon.
Sa Residential Real Estate Price Indices (RREPI) data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes ay lumitaw ang 2.7 percent increase sa second quarter, mas mabagal sa 14.1 percent na naitala noong 2023.
Mas mababa rin ito sa 6.1 percent na paglago sa first quarter ng taon.
Gayunman, sa quarter-on-quarter (QoQ) basis, ang housing prices ay bumilis ang paglago sa 1.8 percent mula 1.1 percent sa first quarter ng 2024.
Ang residential property prices sa National Capital Region (NCR) ay bumaba ng 1.0 percent sa second quarter.
“The decline in the prices of single-detached/attached houses outweighs the increase in the prices of townhouses and condominium units,” ayon sa BSP.
Samantala, tumaas ang residential property prices sa Areas Outside the NCR (AONCR) ng 4.2 percent, sa likod ng annual price increases sa duplex housing units, single-detached/attached houses, at condominium units, na nahigitan ang pagbaba sa townhouse prices.
Sa Qo basis, ang residential property prices sa NCR at AONCR ay tumaas ng 3.8 percent at 1.2 percent, ayon sa pagkakasunod.
Sa housing types, ang condominiums ang nagtala ng pinakamataas na growth rate sa 10.6 percent sa second quarter, sumunod ang single-detached/attached houses sa 1.7 percent.
“Meanwhile, townhouses registered a contraction of 0.8 percent,” sabi ng BSP.
Samantala, sinabi sa report na bumaba ng 3.5 percent ang bilang ng residential real estate loans (RRELs) na ipinagkaloob sa lahat ng uri ng bagong housing units sa bansa.
“Loans granted in the NCR decreased by 9.2 percent, while those in AONCR slightly declined by 0.8 percent.”
Ayon pa sa BSP, sa second quarter, ang appraised value ng bagong housing units sa bansa ay may average na P83,759 per square meter (sqm), tumaas ng 6.8 percent at 1.8 percent mula sa comparable year-ago and quarter-ago levels, ayon sa pagkakasunod.
Ang average appraised value per sqm sa NCR ay tumaas ng 9.6 percent sa P140,158 per sqm habang ang average appraised value per sqm sa AONCR ay tumaas ng 7.8 percent sa P58,741.