PINURI ni House Speaker Gloria Arroyo ang appointment ni dating Associate Justice Lucas Bersamin bilang bagong Supreme Court Chief Justice.
Sinabi ni Arroyo, may kakayahan si Bersamin na maging lider ng Korte Suprema dahil mayroon itong “very fine legal mind” at malawak ang kanyang karanasan sa Judiciary.
Para kay Arroyo, “well deserved” ang pagkakatalaga kay Bersamin bilang bagong Punong Mahistrado.
Si Bersamin ay appointee noon ng dating Pangulong Arroyo sa Korte Suprema taong 2009.
Nakatakdang magretiro si Bersamin sa Oktubre 18, 2019.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na seniority ang pinagbasehan sa pagpili kay Bersamin.
Tinawag din niyang ‘the best and the brightest’ ang mga hinirang na sina Bersamin at Associate Justice Rosmari Carandang.
Parehong 9th placer sina Bersamin at Carandang sa bar examinations noong 1973 at 1975.
Comments are closed.