PAGTANGAL KAY REP VELOSO SA NARCOTICS, OK LANG SA PDEA

IGINAGALANG ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyon ng Appellate Court na nag uutos na tanggalin ang pangalan ni Leyte Congressman Vicente Veloso III sa talaan ng Inter-Agency Drug Information Database (IDID) at wasakin ang lahat ng dokumento, records at impormasyon na nag uugnay sa mambabatas sa listahan.

Binigyang diin ni PDEA Dir. General Wilkins Villanueva, bagamat sila ay sumusunod sa batas ngunit ang lahat ng kanilang aksyon ay alinsunod sa utos ng Office of the Solicitor General (OSG) na kanilang principal law office at legal defender ng pamahalaan na naatasan para pangasiwaan at gampanan ang aksyong legal kung kinakailangan.

Muling tiniyak ng PDEA sa publiko ang kanilang commitment, dedikasyon, at determinasyon na makamit ang isang drug-resistant at self-policing communities sa darating na mga panahon.

Una ng sinabi ng Appellate Court, dapat umanong alisin ang pangalan ng kongresista sa narcolist dahil kailanman ay walang naipakitang matibay na basehan ang pamahalaan para siya ay idiin sa mga sangkot sa kalakaran ng droga sa bansa.

Sabi ng PDEA, handa silang sumunod sa kautusan ng korte ngunit hindi umano nangangahulugan na titigil na sila sa pag-iimbestiga sa mga opisyal ng pamahalaan na nauugnay sa drug trade sa bansa.
EVELYN GARCIA

42 thoughts on “PAGTANGAL KAY REP VELOSO SA NARCOTICS, OK LANG SA PDEA”

  1. 978547 287337I like the valuable information you supply in your articles. Ill bookmark your weblog and check once more here regularly. Im quite certain Ill learn lots of new stuff right here! Greatest of luck for the next! 981712

Comments are closed.