PAGTANGGAP NG PADALA NG PERA MULA SA OFW SANHI NG STRESS

pera

USA – NAGDUDULOT din ng stress at pangamba ang pagtanggap  ng pera o remittance mula sa  overseas Filipino workers.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng UnitTeller, isang payments provider na nakabase sa Estados Unidos.

Batay sa pag-aaral, dalawa sa limang nakatatanggap ng padala ng OFW ang nakakaranas ng elicit emotional stress.

Nasa 41 percent naman ng recipient na ang paghihintay sa money transfers ay nakaka-stress habang 54%  ay mayroon ding impact sa nagpadala.

Ang nasabing pag-aaral ay nailathala sa “Both Sides of the Coin: The Receiver’s Story” na isinagawa ng nasabing payment provider.

Kabilang naman sa pinangangambahan ng mga recipient ay kung magkano ang matatanggap, mga sangay ng money transfer at kung tama ba ang halaga ng kanilang inasahan.

“Stress could come from the uncertainties regarding remittance inflows, or expectations that the funds might not come in due to some unforeseen circumstances,” ayon kay  UniTeller Philippines country president Noel Cristal.

Sa datos, ang average monthly value of remittances na ipinapadala ng low-income overseas Filipino migrants ay nasa $446 na may katumbas na P22,585.44 batay sa pinakahuling exchange rate na P50.64:$1. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.