NANINIWALA ang Department of Justice (DoJ) na ang nominasyon ni Atty. Raphael Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy ay balido at lawful o naaayon sa batas.
Matatandaan na nominado ni Pangulong Bongbong Marcos si Lotilla bilang Energy Scretary pero may lumutang na legal repercaution sakaling maupo siya sa puwesto dahil sa kanyang posisyon bilang independent director ng Aboitiz Power at Ace Exenor.
Sa isang press statement na inilabas ng DoJ, sinabi ng kagawaran na maaaring maupo si Lotilla bilang bagong kalihim ng DoE.
Paliwanag ng kagawaran, si Lotilla ay isang independent director at hindi officer ng energy company kaya naman hindi sakop ng RA 7638 o Department of Energy Act of 1992.
Sa ilalim ng Section 8 ng nabanggit na batas, ang sinumang opisyal o external auditor, accountant o legal counsel ng anumang private companies o enterprise na may kaugnayan sa energy industry ay hindi uubrang maging energy secretary sa loob ng dalawang taon mula sa petsa ng kanyang retirement, resignation o separation.
Alinsunod din sa revised corporation code, security at regulations code at code of the corproated governance, ang isang indipendent director ay hindi isang officer batay sa nature, promotion at responsibility sa korporasyon na kanyang pinagsisilbihan.
Dagdag ng DoJ, maging ang articles at bylaws ng Aboitiz Power at Ace Exedor ay in-adopt ang concept ng independent director. Beth C