MAGUINDANAO DEL NORTE- AAPELA sa Korte Suprema si Bangsamoro Cotabato City Government Chief Minister Ahod Ebrahim sa sandaling matanggap ang desisyon sa Mandamus Case kaugnay sa pagtatalaga ng provincial treasurer sa nasabing lalawigan.
Gayunpaman, tiniyak ni Ebrahim na irerespeto ng Bangsangmoro Government ang pagtataguyod ng demokrasya, hustisya at ang umiiral na batas sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema.
Tiniyak din ni Ebrahim na hindi sila gagawa ng anumang hakbang na magdudulot ng anumang kaguluhan sa kabila ng pagkuwestiyon sa naging desisyon ng SC.
Sa kasalukuyan, wala pang natatanggap na kopya ng desisyon mula sa SC ang kampo ni Ebrahim ngunit tiniyak nito na agad silang maghahain ng apela.
Nanawagan si Ebrahim sa mamamayan ng Bangsamoro na anuman ang kanilang paniniwala sa pulitika na maging maingat sa mga ipapahayag.
Umaasa ito na sa lalong madaling panahon ay matutuldukan na ang usapin para sa tuloy-tuloy na kapayapaan at kaayusan ng pamumuhay ng mga taga- Bangsangmoro.
EVELYN GARCIA