MANGGAGALING kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appoint sa mga top brass ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang paglilinaw ng nasabing organisasyon makaraang bawiin ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Michael John Dubria bilang officer-in-charge ng Office of the Deputy Chief for Administration, ang binakanteng puwesto ng nagretirong si Lt. Gen. Rhodel Sermonia.
Giit ng PNP, ang pagbawi para umangat ang posisyon ni Dubria na kasalukuyang PNP Deputy Chief for Operations ay walang kinalaman sa umano’y pagiging Davao Boy.
Sa designation order na pirmado ni Major Gen. Belli Tamayo na may petsang January 29, itinalaga si Dubria sa binakanteng puwesto ni Sermonia pero sa araw ding iyon ay binawi o pinawalang bisa umano ang kautusan.
Giit naman ni PNP Public Information Office Chief, Fajardo, ang pangulo ang may otoridad nan a magtaalga ng TDCA at maging sa TCDO.
“I was made to understand that the order was issued prematurely. If you recall I mentioned last Monday that the designation and appointment of the TDCA and TDCO is within the authority ng ating Presidente. So it was nullified to give deference nga sa official appointment na ilalabas ng ating Presidente,”ani Fajardo.
Mistah ni Dubria si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991.
EUNICE CELARIO