PAGTATANGGAL NG FACE SHIELD ‘DI PA NAPAPANAHON-DOH

HINDI  pa napapanahon ang pagtatanggal ng polisiya hinggil sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar, lalo na ngayong mababa pa ang vaccine coverage ng COVID-19 sa Filipinas.

Ito ang naging tugon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno sa national government na huwag nang pagamitin ng face shield ang mga mamamayan.
“Okay ang mungkahi ni Mayor Isko kung malaki na vaccination coverage natin,” ayon pa kay Duque.

Ipinaliwanag ng kalihim na sa ngayon ay hindi pa maaaring tanggalin ang face shield policy dahil ang two-dose vaccination coverage ng bansa ay nasa lampas 2% pa lamang dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng bakuna.
Nabatid na aabot pa lamang sa 3.9 milyong indibidwal ang nabakunahan sa bansa hanggang noong Mayo 30.

Malayo pa ito sa target ng pamahalaan na makapagbakuna ng mula 58 milyon hanggang 70 milyong indibidwal hanggang sa katapusan ng taong ito upang maabot ang herd immunity.

Idinagdag pa ng kalihim na ang paggamit ng face shield ay suportado ng siyensiya kung saan lumilitaw na ang pagsusuot ng face mask at face shield, na sasamahan pa ng social distancing ay nagkakaloob ng higit pa sa 95% proteksiyon laban sa COVID-19 sa isang indibidwal. Ana Rosario Hernandez

24 thoughts on “PAGTATANGGAL NG FACE SHIELD ‘DI PA NAPAPANAHON-DOH”

  1. 822592 611515Following study several of the content within your web site now, we genuinely such as your technique of blogging. I bookmarked it to my bookmark web web site list and will also be checking back soon. Pls look at my web-site likewise and make me aware what you believe. 45745

Comments are closed.