PAGTATANGGAL NG VIIS PINABORAN NG COMELEC

“SA batas po natin ay mandatory at required na ang Comelec ay magpadala sa bawat mga kababayan natin ng kanilang VIIS kung saan sila nakarehistro, ano ang pangalan ng presinto nila, sino ang mga kandidato na ihahalal nila sa bawat buong probinsya, buong siyudad o ba­yan o sa buong Pilipinas,” ito ang pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Sinusuportahan ng Commission on Elections (Comelec) ang mungkahi na alisin na ang tradisyunal na pag-iimprenta at pamamahagi ng voters’ information and instruction sheets (VIIS) bilang paghahanda para sa 2025 midterm elections.

Sinabi ng Comelec chairman na hindi lamang magastos ang pag-iimprenta at pamamahagi ng VIIS para sa ahensya kundi marami rin sa mga rehistradong botante ang nagrereklamo na hindi nila natatanggap ang mga nasabing sheet sa panahon ng halalan.

Gayom pa man, dahil ito ay itinatadhana sa ilalim ng Omnibus Election Code ng Pilipinas, sinabi ni Garcia na kinakailangang baguhin ang batas upang hindi na magbigay ang Comelec  ng kopya ng VIIS sa bawat botante sa dara­ting na 2025 elections.

RUBEN FUENTES